Kabanata 23

1.3K 72 23
                                    

Kabanata 23


"ANO 'TO?" nagtatakang tanong ni Allie habang pinagmamasdan ang cork bottle na iniabot ni Enzo sa kanya. Umayos ng upo si Allie sa kama niya saka sinipat ang cork bottle. Transparent ang bote kung kaya't nakikita niya ang iba't ibang kulay ng medicine capsules sa loob nito. "Smile Pills," mahinang basa niya sa nakadikit na papel sa katawan ng cork bottle.

Pabagsak na tumabi sa kanya si Enzo. Humiga ito sa kama niya at ginawang unan ang magkabilang kamay.

"Para sa 'yo," simpleng tugon nito.

"Alam ko. Para saan naman?"

Iniiwas ni Enzo ang tingin sa kanya pero nahagip pa rin niya ang tila bahagyang pamumula ng mga pisngi nito. Really?! Si Enzo? Nagba-blush?!

"When you are feeling lonely, just pick a capsule inside. Inside it is a paper with a message. I hope it can make you smile. Substitute kapag wala ako," seryosong anito habang nakaiwas pa rin ang tingin sa kanya.

Nakangiting sinundot ni Allie ang tagiliran nito. "Nagba-blush ka?"

Kaagad na bumaling sa kanya si Enzo saka siya tiningnan nang matalim. "Fuck, no!"

Natawa si Allie saka binuksan ang bote. Bumunot siya ng isang capsule. Binuksan niya iyon at inalis sa pagkakarolyo ang papel na nasa loob.

"I love you," mahinang basa niya.

This Cheeseborg, really. Who would have thought?

"Nakakawala nga ng lungkot. Pa-kiss nga!"

Tumatawang pabirong hinalikan ni Allie si Enzo sa noo. Pilit naman umiiwas ang lalaki sa kanya pero nakita niya ang kislap sa mga mata nito.

Allie did not need this as long as she have him in her life. As long as he was here beside her.


"I'M SORRY, Tita Nella. I'm sorry for being selfish. I'm sorry for not honoring your wish," mahinang anas ni Enzo habang nakayuko sa lapida ng namayapang ina ni Allie.

Kasama niya si Allie ngayon sa sementeryo. Nanatili muna ito sa sasakyan at hinayaan siyang kausapin ang mommy nito. Nakaluhod siya ngayon sa harap ng lapida. Mariing napapikit si Enzo. Gusto niyang maniwala sa sinabi ni Allie, na walang pakialam si Tita Nella sa katauhan niya. Pero hindi ganoon kadali iyon.

"I promise you, I will make her happy. I know I don't deserve her. But as long as she wants me with her, I'll stay. I'm sorry for disappointing you but I... I love her."

May naramdaman siyang pumatong sa balikat niya. Dumilat si Enzo at binalingan ang may-ari ng kamay.

"Allie," aniya rito.

Inalis ni Allie ang kamay sa balikat ni Enzo. Kagaya niya ay lumuhod din ito. "My mom only wants my happiness, Renz. Matigas ang ulo mo, alam kong hindi ka maniniwala sa akin. Alam kong araw-araw mong iisipin na hindi ka deserving. Kaya araw-araw ko rin sa 'yong ipapakita at ipaparamdam na walang taong mas deserving sa pagmamahal ko kundi ikaw lang. Capeesh?"

His lips twitched. Really, this girl.

Nakangising ginagap ni Allie ang palad ni Enzo. Bumaling na ito sa lapida at gamit ang libreng kamay ay hinaplos nito iyon. "Mom, meet my boyfriend, Lawrenzo Guttierez. Kilala mo na siya, 'di ba? Naalala mo 'yong pinag-usapan natin sa ospital? You told me to make him happy. I will, mom. I will make him happy."

Gulat na napatingin si Enzo kay Allie nang marinig iyon. "Tita Nella—"

"Gusto ka rin niyang maging masaya. My mom cared about you as well, you know. Marami kaming nagmamahal sa 'yo. Marami kaming gustong maging masaya ka."

"It'll be a rough ride starting now, Allie," mahinang aniya saka idinugtong, "But I'll make it worthwhile."

Lumapad ang pagkakangiti ni Allie. "I know."

For Enzo, Allie's smile have been his light. Her smile was one of the things that kept him on the ground all these years.

"Mahal kita nang sagad, Cheeseborg."

Marahan niyang idinampi ang mga labi sa noo ni Allie. "Sagad hanggang buto?"

"Tagos hanggang buto!"

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon