Kabanata 9

2K 124 24
                                    

Kabanata 9



NAPAKUNOT ang noo ni Allie nang mapansing nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay ng mga Guttierez. Hindi sila sabay umuwi ni Enzo ngayon dahil marami raw itong tatapusin sa club nito.

Ayos na rin 'to. At least, magkakaroon siya ng oras para maintindihan 'tong damdaming umuusbong sa puso niya kapag nasa malapit si Enzo. Kapag nasa malapit kasi si Enzo, para bang hindi siya makapag-isip nang matino. Kaloka.

Pagkapasok niya sa bahay ay kinabahan pa siya. Hindi siya sanay na ganito kadilim. Naalala niya 'yong horror movie na pinanood nila ni Enzo. 'Yong pagbukas ng ilaw ay biglang may lalabas na multo sa harap ng babae. Shet. 'Wag naman sanang mangyari 'yon sa kanya.

Kinapa niya ang switch sa dingding. Mariing pumikit si Allie saka pinindot ang switch. Parang may mainit na hangin siyang nararamdaman sa mukha niya. Instantly, the scary feeling disappeared. She knew this smell.

Kaagad na napadilat si Allie. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagmasdan si Enzo. Unti-unti siyang napangiti. Enzo was wearing a Doraemon party hat and was holding a cupcake with a candle on top.

"Happy birthday, Little," he softly said.

Sa likuran ni Enzo ay sina Tito Miguel, Tita Lily, Avi, Ashleigh, at ang apat pa niyang mga kaibigan.

"Sabi mo kahit kami lang, ayos na sa 'yo, 'di ba? So, happy birthday, Allie!" nakangiting bati ni Avi sa kanya. Sumunod na bumati sina Ashleigh.

"Here's the first installment of your birthday cake. Make a wish, Little."

Na-realize ni Allie na tinawag siya ni Enzo ng "Little" ng dalawang beses. That was more than enough birthday gift to her.

Pumikit si Allie at imbes na humiling ay nag-usal siya ng mahinang pasasalamat sa Diyos.

Nang dumilat siya at inilibot ang tingin sa iilang tao na nandito ngayon, bumalot ang init sa puso ni Allie. Itong mga 'to ang mga taong importante sa kanya. She didn't need millions of people. She only needed them.

"Thanks, Renz," mahinang aniya kay Enzo.

Ipinatong nito ang palad sa ulo niya at marahang ginulo ang kanyang buhok. Iniabot nito sa kanya ang cupcake. Ginagap ni Enzo ang palad niya saka sila pumunta sa dining area.

"Sino ang nakaisip nito?" tanong niya.

Si Ashleigh ang sumagot. "Si Captain Enzo, siyempre."

Pagkalapag ni Allie ng cupcake sa mesa ay kaagad niyang niyakap si Enzo. Naramdaman niya ang pagpalibot ng isa nitong braso sa baywang niya.

"Salamat, Renz. Salamat."

"You're welcome."

May kumiliti sa tainga ni Allie nang tumama ang mainit na hininga ni Enzo roon. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito saka pumikit. Slowly, she was realizing why she was feeling this warmth whenever she was with Enzo.

She was falling for her friend; for the person who was always there for her.

Kaya pala kapag kasama niya si Enzo, pakiramdam niya ay buo siya. Alam ni Allie, malaking parte niya ang nawala nang mamatay ang mommy niya. Hindi 'yon napunan ni Enzo.

Instead, he was holding her whole heart. She wasn't even aware she gave it to him. She just found herself missing it because it now belonged to him.

Nang kumawala siya sa pagkakayakap ni Enzo ay isa-isa niyang niyakap sina Tita Lily at ang iba pa.

Kapagkuwan ay binalingan na ni Allie ang three-tier cake sa mesa. Eighteenth birthday niya. Siguro sa iba, gusto ng magarbong handaan. Pero masaya na siya sa ganito. Simple pero kasama niya 'yong mga taong importante sa kanya.

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon