Kabanata 31

1.1K 80 35
                                    

Kabanata 31

SIMULA nang magkaisip si Allie, alam niyang kulang ang pamilya niya. Ang mayroon lang siya ay ang mommy niya. Father? Tatay? Daddy? Wala siya n'on. Gusto man niyang alamin noon ay iniiwasan niya dahil nasasaktan ang mommy niya.

Kaya ngayon, habang nakatingin si Allie sa lalaking nagsasabing daddy niya ito, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Magiging masaya ba siya? Magagalit? Magtataka?

Ano ang gagawin niya? Yayakapin ba niya ito? Aawayin? Sisigawan? Ang tanging nagawa ni Allie ay umiyak. Weak. Oo, mahina siyang talaga.

Tumayo ang daddy ni Allie at pumunta sa tapat niya. Lumuhod ito roon at ginagap ang magkabila niyang palad.

"P-puwede ba kitang mayakap, anak?"

Oh, God. Matagal na niyang gustong marinig ang mga katagang 'yon mula sa tatay niya. Ilang taon na siyang umasam na sana, may tatay siya; na sana, kumpleto ang pamilya niya.

"Siguro, galit ka sa 'kin. Siguro, iniisip mong iniwan ko kayong mag-isa. K-kahit galit ka sa akin, Allie, matatanggap ko. Gusto ko lang mayakap ka. Sa kauna-unahang pagkakataon, mayayakap na kita."

Hindi na nakapagsalita pa si Allie. Sunud-sunod ang pagdaloy ng mga luha niya. Nang tumango si Allie ay kaagad siyang niyakap ng daddy niya. The warmth coming from him made her cry once more. Sa buong buhay niya, inisip niya ang pakiramdam ng mayakap ng tatay niya. Ngayon, nararanasan na niya.

"Eighteen years. I didn't know I have a daughter for eighteen years. I'm sorry for not being here for you and for Nella. I'm sorry," umiiyak na anang daddy niya. "Matatanggap ko ang galit mo, Allie. Maiintindihan ko kung hindi mo ako matatanggap bilang daddy mo. P-pero hayaan mo akong iparamdam sa 'yo na mahal kita."

Umiling si Allie. "Mom taught me so many things. Sa sobrang dami ng itinuro niya sa 'kin, hindi niya itinuro ang magtanim ako ng galit sa kapwa ko. Alam kong may dahilan kung bakit hindi ka namin nakasama. Malungkot po ako, nasasaktan, pero kahit minsan, hindi po ako nagtanim ng galit sa 'yo. Kasi ganoon po ako pinalaki ni Mommy."

Narinig niya ang marahang pagtawa nito. "Yeah, that's Nella for you." Humigpit ang pagkakayakap ng daddy niya sa kanya na tila ba natatakot itong bigla siyang maglaho. "She raised you well. I'm sure she was proud of you." Gumaralgal ang tinig nito. Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng mommy niya, naririnig niya sa tinig nito ang pangungulila. And in that instant, Allie knew he loved her mother.

Nang binitawan siya nito ay kaagad na pinahid ni Allie ang mga luha sa pisngi. "Gusto ko lang pong malaman kung bakit? Ano pong nangyari?"

Napahugot ng hangin ang daddy ni Allie. Itinuro nito ang bakanteng puwesto sa tabi niya. "May I?" Tumango si Allie bilang sagot. Umupo roon ang daddy niya. Ang layo ng tingin nito na tila ba malalim ang iniisip.

"Sa Germany na ako isinilang. Doon na ako lumaki, pero Pilipino ang tatay ko. Pumunta ako ng Pilipinas para kilalanin ang pamilya ko sa father's side. And then I met Nella," panimula nito. A melancholic smile was present on his lips. "Unang kita ko pa lang, nasabi ko kaagad sa sarili ko na, 'Itong babaeng 'to, siya na ang para sa akin.' Unrealistic pakinggan, pero 'yong naramdaman ko, totoo."

Hindi kumibo si Allie at tumango lamang. Alam niya kung ano ang damdaming tinutukoy nito dahil naramdaman na rin niya iyon.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang daddy ni Allie. "We hit it off in an instant. She was the most caring and wonderful woman I'd ever met in my entire life. She was actually my life. Nagdesisyon kaming magpakasal. Siguro, iniisip mong nagpadalus-dalos kami pero kapag nakilala mo ang taong para sa 'yo, gagawin mo ang lahat para hindi siya mawala sa 'yo."

Muli ay pagtango ang nagawa ni Allie bilang sagot.

"Bumalik ako ng Germany para kausapin ang mga magulang ko para sa nalalapit naming kasal. Tutol sila. I am an only child. Lahat ng ari-arian namin, sa akin mapupunta. Kaya ang gusto nila ay ipakasal ako sa iba, sa pamilyang magpapalago pa sa negosyo namin. Sinabi kong mahal ko si Nella. They mocked me and our love for each other." Isang bahaw na tawa ang kumawala sa mga labi nito. "Inayos ko ang mga papeles ko. Handa akong tumira sa Pilipinas. Handa akong iwan ang lahat para kay Nella. Handa akong talikuran ang lahat para sa kanya. I will always choose her."

Nakita ni Allie ang panginginig ng mga kamay nito. Nakakuyom ang mga palad ng daddy niya na tila ba pinipigilan nito ang paglabas ng mga emosyon nito. Wala sa sariling ginagap ni Allie ang palad ng daddy niya. Ganito siguro talaga ang mga lalaki minsan. Hindi gustong ipakita ang tunay na nararamdaman; hindi gustong ipakita na nanghihina rin sila.

"Pagbalik ko ng Pilipinas, wala na siya. Hinanap ko siya sa kung saan-saan subalit hindi ko siya nakita. I was devastated but I never lose hope that I'll meet her again. Kahit ano'ng pilit nina Mama, hindi ako bumalik ng Germany hangga't hindi ko nakikita si Nella. Hindi ko alam kung ilang buwan na ang lumipas hanggang sa mga papeles ang sumampal sa 'kin. Ipinakita nina Mama na may asawa na si Nella. Hindi niya ako nahintay."

Nanlaki ang mga mata ni Allie. "But—"

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ng daddy niya. "That was my first mistake, Allie. I believed those papers, I believed those people who were against us in the first place. The second mistake? I've lost faith in her love. Ang tanga ko." Napayuko ito at ikinulong ang mukha sa mga palad. "Napakatanga ko. Napakagago ko. Para sa taong ipinagyayabang na mahal ko si Nella, napakadali kong maniwala sa iba, napakadali kong binitawan ang pagmamahalan namin."

Nakagat ni Allie ang ibabang labi upang pigilan ang paghulagpos ng iba't ibang damdamin sa kanyang puso. Ilang taon na ang lumipas simula nang mangyari ang ikinukuwento ng daddy niya pero ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito; na para bang kahapon lamang lahat.

"Bumalik ako sa Germany. Ibinaon ko ang sarili ko sa trabaho sa pag-iisip na makakalimutan ko rin si Nella. Ilang taon na ang lumipas pero kahit ano'ng gawin ko, siya pa rin. Mahal ko pa rin siya. Kahit na ang akala ko noon ay iniwan niya ako sa ere, mahal ko pa rin siya. Walang iba, Allie. Siya lang."

Naalala niya si Enzo nang sinabi rin nito iyon sa kanya noon; na siya lang para dito.

"Hindi ko alam, Allie. Hindi ko alam na nagsinungaling silang lahat sa akin. Hanggang sa isang Attorney Cojuangco ang humarap sa akin. He brought me your birth papers, Nella's letters, and your pictures. Para akong namatay, Allie. Ilang taong ipinagkait sa 'kin ng pamilya ko ang totoo. Ilang taon akong nagalit kay Nella gayong kung tutuusin, wala akong karapatan. Iniwan ko kayong mag-isa. Lumaki kang walang ama. Napakagago ko." Yumuyugyog na ang balikat ng daddy ni Allie tanda ng pag-iyak nito.

Hindi na rin napigilan ni Allie ang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi.

"Nang kinompronta ko ang mga magulang ko, inamin nila ang lahat sa akin. Kung papaano nilang tinaboy si Nella, kung anu-anong kasinungalingan ang ibinato nila rito, at kung papaanong halos sinira nila ang buhay ni Nella para layuan ako. She was pregnant, goddamit! Of course she would do everything to save herself and the baby in her womb. Hindi man lamang nila naisip 'yon. Ipinagkait nila sa akin 'yon. Pero kahit anong galit ko sa pamilya ko, mas galit ako sa sarili ko. Dahil nagkulang ako ng pagtitiwala sa mommy mo."

Hinarap si Allie ng daddy niya. Masuyo nitong ikinulong sa magkabilang palad ang kanyang mukha. Pinahid nito ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pagpatak.

"Natakot ako, Allie. Natakot akong magpakita sa 'yo. Hindi ko kayang harapin ang galit mo. At lalong hindi ko kayang harapin ang katotohanang... babalik nga ako pero wala na si Nella. H-hindi man lamang ako nakapagpaalam sa kanya."

Lumuhod sa harap ni Allie ang daddy niya saka yumuko. Tila ba bigla itong nawalan ng lakas. "I'm sorry, Allie. I'm sorry."

"N-naiintindihan ko po, Daddy. Pinapatawad po kita. Kahit po ngayon lang, ang mahalaga po ay nandito ka na. Ang mahalaga po ay kasama na kita. Alam ko pong maiintindihan ka ni Mommy. Si Mommy pa ba?"

Niyakap siya nito nang mahigpit. Ginantihan ni Allie ang yakap ng daddy niya. Umiyak siya nang umiyak sa bisig nito.

"Welcome home, Daddy," mahinang anas ni Allie.

Halos mapugto na ang hininga ni Allie sa higpit ng yakap nito. "I'm home."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon