Kabanata 11

1.9K 122 18
                                    

Kabanata 11



"WE HAVE enough pictures to last a lifetime, Allie."

Pilit pa rin hinahatak ni Allie si Enzo papasok sa cute na photobooth na matatagpuan sa game center. Pero ang epal na lalaki, akala mo poste. Hindi niya mahatak!

"Lifetime ka r'yan. Wala pa ngang sampu ang pictures natin." Hindi ito nagpatinag. "Lawrenzo! 'Lika na!"

"No."

"Isa lang naman, eh!"

"No."

"Dali na! Nakakainis ka naman, Renz, eh."

"Allie—"

"Parang pictures lang naman." Binitawan niya ang lalaki saka humalukipkip. She let out a sigh. "Fine. Eh, di hindi." Then she added in a soft voice, "I should've joined Martin."

Tumalim ang tingin sa kanya ni Enzo. Kaagad na nabura ang emosyon sa mga mata nito. Blankong nakatingin ito sa kanya.

"Then why don't you go to your precious Martin?"

Nanigas sa kinatatayuan niya si Allie. His voice was so scathing it almost hurt her heart. This was the first time she heard that tone from him; and it was intended for her. Nakagat ni Allie ang ibabang labi saka napahugot ng hangin.

"Fine." Tinalikuran na niya si Enzo saka lumabas ng game center. Dumeretso siya sa paborito niyang fast food chain saka um-order ng pagkain.

Inusog ni Allie ang tray ng pagkain saka yumukyok sa mesa. Kailan pa siya naging brat at selfish? Hindi yata maganda ang epekto ng pagiging in love niya. Nagiging sensitive siya. Siya naman ang mali in the first place.

Idinikit ni Allie ang isang pisngi sa mesa at pinagmasdan ang parte ng fast food chain na nakikita niya. How sad. Mag-isa na siya ngayon dahil na rin sa kagagawan niya.

Kumuha siya ng fries saka iyon sinubo. Habang kagat-kagat ang fries ay kinuha niya ang cell phone at tumipa ng mensahe para kay Enzo.

May sasabihin ako sa 'yo. Kaya ko lang naman gustong magpa-picture kasama ka kasi baka ngumiti ka ulit. 'Yang ngiti mo kasi ang pinakamagandang ngiti na nakita ko. Sorry for being a brat, Renz :(

Kaagad na nakatanggap ng reply si Allie mula kay Enzo.

Ngumingiti lang naman ako kapag ikaw ang kasama ko, Little Cheeseball. :)

Nakagat niya ang ibabang labi habang pigil ang ngiti. Mahirap na at baka maisip ng ibang tao, eh, nababaliw na siya.

Cheeseborg, tanging reply niya.

Look ahead of you.

Dali-daling umayos ng upo si Allie nang mabasa iyon. Nakatayo si Enzo sa harap niya. Umupo ito sa silya sa tapat niya at may inilapag na paperbag sa mesa.

"Sorry for snapping at you, Little," ani Enzo.

Umiling siya. "Ako dapat ang mag-sorry. Sorry kung masyado akong isip-bata. Hindi na mauulit, promise!"

He leaned forward and gently mussed her hair. "Para sa 'yo 'yan," anito na ang tinutukoy ay ang paperbag sa mesa.

"Sa 'kin?" Binuksan niya iyon. Kulay asul na polaroid at iba't ibang disenyo ng bala nito ang laman ng paperbag. "B-bakit mo 'ko binilhan nito?"

"So we can save each and every memory that we will make."

"We?"

"Yes."

"With each other?"

"Yes, Allie. Together."

Napangiti siya nang maluwang. Tumayo siya at umupo sa tabi ni Enzo. Kinalkal niya ang polaroid saka nakangiting binalingan ang lalaking katabi. "Picture tayo ngayon, okay?"

Ipinatong ni Enzo ang braso sa balikat ni Allie saka masuyong pinisil ang ilong niya. "Okay."

Kinuha nito ang Polaroid sa kanya. Ito mismo ang kumuha ng larawan nilang dalawa. Habang hinihintay ang paglinaw ng larawan ay pasimpleng tiningnan ni Allie si Enzo.

Kinakain na nito ang fries na in-order niya.

"Ano?" tanong nito. Hindi ito nakatingin sa kanya. May sixth sense siguro 'to.

"Wala lang. Ang suwerte ko lang sa 'yo. Ang suwerte ko kasi..." Ang kagaya mo ang minahal ko. "Basta."

Hindi sumagot si Enzo. Ang tanging ginawa nito ay ang pagpisil sa balikat niya. Nawala sa isip niyang nakaakbay pa rin ito sa kanya. Para bang dito kasi ang lugar niya; sa tabi nito, sa loob ng bisig nito, habang nakaakbay ito sa kanya.

Binalingan na ni Allie ang larawan. Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso niya nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Enzo na nahuli sa larawan.

Nakatingin sa kanya si Enzo habang may maliit na ngiti sa mga labi.





"ALLIE, maaari ka ba naming makausap ng Tito Miguel mo?"

Napahinto sa akmang pag-akyat papunta sa silid niya si Allie nang marinig ang tinig na iyon ni Tita Lily. Iniabot niya kay Enzo ang bitbit na gamit saka binalingan ang ginang.

"Sige po, Tita. Sa study area po ba?"

"Yes. Come," anito.

Pinisil ni Enzo ang palad ni Allie bago ito umakyat. Siya naman ay sumunod kay Tita Lily papasok sa study area. Tito Miguel was already sitting behind the desk with a serious look on his face. Habang nakatingin sa mag-asawang Guttierez, hindi maiwasang isipin ni Allie na walang kamukha si Enzo sa dalawa.

"Upo ka rito, Allie," ani Tita Lily na tinapik ang bakanteng puwesto sa tabi nito. Nakaupo sila sa mahabang sofa sa gilid. Kumuha ng upuan si Tito Miguel at pumuwesto sa tapat nila.

"Hindi namin kaagad sinabi sa 'yo ito, Allie, pero nang mamatay si Nella ay may iniwan siya sa aming sulat. Naalala mo naman si Attorney Cojuangco?"

Tumango si Allie. Si Attorney Cojuangco ang abogado ng mommy niya. Ito ang nag-asikaso ng last will ng mommy niya at lahat ng bagay patungkol sa ari-arian na iniwan ng mommy niya sa kanya.

"Yes po, Tita Lily. May problema po ba kay Attorney?"

Tiningnan ni Tita Lily si Tito Miguel na siyang nagsalita. "Sa hiling na rin ng mommy mo, Allie, ay hindi ito agarang sinabi sa 'yo ni Attorney Cojuanco. Pero nakalagay sa huling bilin ng mommy mo na gusto niyang ipahanap ang daddy mo. Attorney Cojuangco followed your mother's last wish. He found your father, Arthur Fernandez."

Naikuyom ni Allie ang magkabilang palad. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

"He wants to see you. Your father wants to meet you."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon