Kabanata 35

1.1K 79 27
                                    

Kabanata 35

"PAANO magsabi ng I love you ang isang cyborg?"

Nakita ni Enzo ang pag-angat ng kilay ni Allie. Hindi marahil nito alam kung seryoso ba siya o nagdyo-joke. Pinanatili ni Enzo na seryoso at walang emosyon ang mukha habang hinihintay ang tugon ng babae.

"Paano?"

"Bleep bleep bleep," he deadpanned.

Allie facepalmed. Pero unti-unti rin itong napangiti. "Corny mo, Cheeseborg."

Enzo almost let out a relieved sigh. He noticed the changes pertaining to Allie's disposition. Para bang pilit ang mga ngiti nito noong mga nakalipas na araw.

Pinagmasdan ni Enzo si Allie. Tutok na tutok ang pansin nito sa red notebook nito. Hindi niya alam kung ano ang isinusulat nito pero base sa ekspresyon sa mukha nito, mukhang importante iyon.

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Enzo kung ano ba ang nagawa niyang tama sa buhay niya para ibigay ng Diyos si Allie sa kanya. Alam niyang hindi siya deserving. Alam niyang mas may nababagay pa rito bukod sa kanya. But despite those, he could not seem to let go of her hand.

He was being unfair to her. With all his baggages, he would just weigh her down. But he wanted her. He needed her. He loved her. Corny as it might sound but it was Allie's smile and love that were making him want to face tomorrow.

It was all Allie.

Wala sa sariling ginagap ni Enzo ang libreng kamay ni Allie. Kunot ang noong binalingan siya nito. Umiling lamang siya. Itinutok na nito ang pansin sa pagsusulat.

Enzo's past was wearing him down. He wanted to forget his past but how? It was as if when he was taking a step forward, his past was making him take two steps backward. Kahit ano'ng pilit niya, hindi niya makalimutan ang nakaraan. Hindi niya makalimutan 'yong pakiramdam na ipagtabuyan ka ng taong nagluwal sa 'yo sa mundo.

He hated her. He hated himself.

How could anyone love him if his real parent was not able to love him?

His adoptive parents loved him and he was thankful. Hindi man ipakita ni Enzo pero mahalaga sa kanya ang mga kinilala niyang magulang. Pinalaki siya ng mga ito, inalagaan, binihisan, at binigyan ng pangalan. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kahungkagan.

Sinubukan niyang takpan ang butas sa puso niya sa pamamagitan ng paglalaro ng tennis. It wasn't enough.

Lumaki siyang inilalayo ang sarili sa mga tao sa paligid niya. Puno siya ng galit at hinanakit. Pakiramdam niya ay hindi na niya kayang magtiwala kahit kanino.

Until Allie entered his life again.

With Allie, Enzo felt like the hole in his heart was slowly closing. But it wasn't enough. He was fucked up. Simple as that. In his fucked up world, Allie was one of his lights. She was his savior.

Enzo knew Allie could not cure him and his fucked up feelings but by simply being with her, Enzo was slowly healing.

"Siguro dapat ko nang sabihin kay Ashleigh ang tungkol kay Storm," wala sa sariling aniya habang hinahaplos ang palad ni Allie.

Allie scowled at him. "No! Hindi mo guguluhin ang love life ni Ashleigh!" sita nito.

Wala sa sariling hinapit ni Enzo palapit sa katawan niya si Allie. "Papaano siyang makasisiguro na si Rein talaga ang mahal niya at hindi si Storm?"

Kuya ni Rein si Storm. Si Storm ay ang lalaki sa panaginip ni Ashleigh. At base sa kuwento ni Allie, iniisip ni Ashleigh na si Rein ang lalaki sa panaginip nito.

Pilit nagpumiglas si Allie sa pagkakahawak ni Enzo subalit hindi siya natinag. He liked the feeling of her body against his. Lumabi si Allie saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Sinabi niya sa 'kin na hindi naman talaga 'yong lalaki sa panaginip niya ang mahal niya!"

"Gusto ko lang makatiyak. Para din ito sa kanila."

Inirapan siya ni Allie. "Gusto mo lang manggulo."

Nagkibit ng balikat si Enzo. "Maybe."

"Tapos pati si Kei na kakuntsaba mo sa mga previous cupid scheme mo, pinagti-trip-an mo." Umiling-iling si Allie na tila ba disappointed ito sa kanya. "Napaka-bad mo talaga."

Pabirong ginulo ni Enzo ang buhok ni Allie. "Tinutulungan ko si Kei."

Lahat ng ginagawa niya, kahit mukhang hindi maganda sa paningin ng iba, ay para din sa mga kaibigan niya. Gusto niyang matutunan ng mga ito kung gaano kahalaga ang bawat segundong kasama ng mga ito ang babaeng mahalaga sa mga ito.

He was glad he helped Guji reconcile with his mother and step-brother. Guji was also happily in a relationship with Jill now. Rein was starting to act humanly and stopped living around tennis. Kei was now making a move towards his best friend.

Si Chase na lang ang kulang. Pero genius si Chase. Alam niyang may plano na ito at naghihintay lamang ng tamang panahon. He would not meddle. For now.

"Renz, masaya ka ba?"

Tinitigan ni Enzo si Allie. Nakikita niya sa mukha nito kung gaano kahalaga para dito ang magiging sagot niya.

Walang gatol na sumagot siya ng, "Oo."

"Pero may kulang, hindi ba?"

Nanigas sa kinauupuan niya si Enzo. Hindi siya nakasagot. Ano ang isasagot niya? Na oo? Masaya siyang kasama si Allie pero kulang siya? Na hindi niya maibigay nang buo ang sarili dahil kulang hindi ang pagmamahal niya kundi ang katauhan niya?

Ginagap ni Allie ang palad ni Enzo. He felt himself relaxing against her touch.

"Naniniwala akong buo ang pagmamahal mo sa akin, Renz. Pero siguro, hindi mo maibigay ng buo kasi... sarili mo ang kulang. Sana... sana dumating ang panahon na maibigay mo sa akin ang buong ikaw. Kasi, ako, sa 'yo ako. Buong-buo."

Napapikit si Enzo at mahigpit na niyakap si Allie. "I'll try."

"Don't try. Do it. For me."

Napalunok siya. "I promise."

"I never doubt your feelings for me, Renz. Pero minsan, napapagod ako, eh."

Lumukob ang takot sa sistema ni Enzo. He could feel it. Because of his past, she was slowly slipping within his grasp.

"Kapag nababanggit ang nakaraan mo, bigla mo na lang akong itinutulak palayo. Masakit pero tinitiis ko. Iniintindi ko. Kasi mahal kita, Renz. But you have to stop this push-and-pull thing. I love you. Every bit of you. Every scar, every wound, even your mess. I love it all. Just... just stop pushing me away every time it gets hard. Okay? Hindi kaya ng puso ko, eh."

Isinubsob ni Enzo ang mukha sa buhok ni Allie. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.

"I love you, Alianna."

"Mahal din kita."

Tenses of Love (Tennis Knights #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon