Chapter 06

18.2K 794 89
                                    

CHAPTER 06.

“JAH, SUMUNOD KA SA 'KIN. Mag-uusap tayo.”

Kumurap ako at napasunod na lang ako ng tingin sa babae nang tumalikod na siya at saka lumakad. Nang nilipat ko ang paningin kay Justin, nahuli ko siyang nakatingin sa akin bago siya tuluyang sumunod doon sa babae.

So... ano na ang gagawin ko rito? Magpe-pretend ba akong statwa?

Nakagat ko na lang ang ibabang labi, at saka pinaglaruan ang mga daliri. Naco-conscious pa rin talaga ako kasi 'yong apat, imbes na sa replay ng performance nila sa TV, nasa akin na ang buong atensyon nila!

Ngumiti lang ako sa kanila, pero mukha yata akong natatae dahil sa ngiti kong pilit dahil kinakabahan nga.

“Uhm...” Tumayo si Stell, at saka siyang mabagal na lumakad papalapit sa akin. “Hi!” He gave me a friendly smile.

Nakakahawa ang ngiti niya, kaya kahit kangingiti ko lang, ngumiti ulit ako pabalik sa kaniya. “Uh, hi!”

"Girlfriend ka ni Justin?” tanong niya noong ilang metro na lang ang layo niya sa akin, at huminto siya.

Tatanggi na sana ako kasi baka alam nila ang plano ni Justin, pero tumango na lang ako. “Oo.”

“Bakit?”

Napakurap ako dahil hindi ko inasahan ang tanong niya. “H-Huh?”

“Tell us about yourself. Introduce yourself. Degree holder ka ba? May latin honors? With pleasing personality? May ten years prior experience? Tell us why should we hire you.”

Mas lalo akong naguluhan sa sunod-sunod niyang tanong. Magsasalita na sana ako pero tumawa siya bigla at mas lumapit pa sa akin.

“Joke lang, Miss!” aniya sabay lahad ng kamay. “Mukha ka kasing natatae. Hindi naman kami nangangagat. Stell nga pala.”

Pilit akong tumawa sabay tango, at saka tinanggap ang kamay niya. “Naji.”

"Naji? Naji 3,” rinig kong hirit ni Ken kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. Nahuli ko siyang silent na tumawa at noong napansin niyang nakatingin na pala ako, kinagat niya na lang ang labi pero nandoon pa rin ang ngiti.

“Uhm, Naji,” tawag ni Josh kaya ang bilis kong nakabaling ng tingin sa kaniya.

“Yes?” Gamit ang isang daliri, inipit ko kaagad ang imaginary hair strands sa likod ng taenga ko, sabay pa-cute na ngumiti sa kaniya.

Akala mo talaga hindi ako kabado kanina, eh, 'no! May gana pang magpabebe at lumandi!?

Nginitian niya ako. “Anong gusto mo? Juice, kape, tea? Ano?”

“Ikaw,” diretsong sagot ko habang nakatitig pa rin sa kaniya. Pero noong na-realize ko ang katangahan, napakurap ako at napailing. “I-I mean, ikaw na bahala. Umiinom naman ako ng kahit ano, kahit alak pa 'yan!” Awkward akong tumawa.

Tumango siya. "Sure. Gawan kita ng juice saglit.” At saka siya lumakad papuntang kusina nila.

“Ay! Maupo ka kaya muna, Naji? Hindi ka ba nangangalay kakatayo?” hirit ni Stell kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. “Halika rito!”

Sumunod agad ako sa kaniya noong lumakad na siya pabalik sa sofa. Ako ang pinaupo nila sa pang-isahang sofa, habang silang apat naman ay nagsisiksikan sa mahabang sofa.

“So... girlfriend ka talaga ni Jah?” tanong ni Pablo pagkaupo ko pa lang. “Hindi ka nagjo-joke?”

“Bakit? Mukha ba siyang hindi kayang magka-girlfriend? Pogi naman siya, ah.”

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon