Chapter 05

20.2K 888 160
                                    

CHAPTER 05.

DINALA NIYA AKO SA isang restaurant na halatang mamahalin, na sure akong hindi ako mabubusog sa sobrang kaunti ng pagkaing i-se-serve nila pero ang presyo ay halos katumbas na ng sampung kilong bigas. Pero hindi na ako magrereklamo, kasi hindi naman ako ang magbabayad.

Floor to ceiling ang glass windows ng restaurant, kitang-kita ng mga tao sa labas ang mga kumakain dito, kaya magandang lugar talaga ito kung plano kaming kunan ng pictures ng h-in-ire niyang "paparazzi".

Nalula ako sa mga presyo ng pagkain, kaya si Justin na lang ang pumili ng pagkain para sa 'kin. At habang hinihintay namin ang order namin, pinag-usapan muna namin ang aming imprmptu acting para sa date na ito.

“Susubuan ba kita mamaya?” nakangiting bulong ko habang kunwari inaayos ang buhok ko.

“Kahit ano, basta ba 'wag lang masyadong PDA,” sagot niya. Inayos niya rin ang iilang hibla ng buhok niya sa noo. “Baka paalisin tayo kapag gano'n.”

Pekeng tumawa ako bago tumango. Kahit ako naman, ayaw ng PDA. Pero 100K ang talent fee kaya wala rin namang problema sa akin kung kakandong pa ako sa kaniya at susubuan siya.

Kung anu-ano na pinag-uusapan namin habang hinihintay ang pagkain namin. Pasimple ko ring nililibot ang paningin sa labas para hanapin ang h-in-ire niyang paparazzi, at napansin ko kaagad ang lalaking naka-brown na coat sa ilalim ng puno sa kabilang side ng kalsada. Nakaupo ito sa bench doon, at may bag siyang nakakandong sa kaniya na pa-square ang shape. May suot din siyang sunglasses.

At noong nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga tingin namin, nakumpira ko kaagad na siya nga ang paparazzi na kukuha ng litrato sa amin.

Sakto namang dumating na ang pagkain namin, kaya naiwas ko kaagad ang paningin ko. Bigla akong na-conscious dahil alam ko na kung nasaan ang camera! Pero kailangan kayanin ko, at dapat ayusin ko ito, alang-alang na sa mga bagong biling mga libro ko!

Pasimple kong binabalingan ang direksyon ng paparazzi, kaya noong nakita kong inangat niya na ang camera niya, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at mas lumala ang kaba ko.

Anong gagawin ko?!

Teka, kalma, Naji, kalma. Kung kakabahan ka at maii-stress, papangit ka sa camera!

“'Di ba sabi mo gutom ka na?” tanong ni Justin kaya nalipat sa kaniya ang mga mata ko. Nakasalubong ko ang mga mata niyang nagtataka. “Bakit hindi ka pa kumakain?”

Napakurap ako. Lumagpas ang mga mata ko sa likuran niya at nang makita ko ang mag-asawang nagsusubuan, nagka-ideya na kaagad ako kung ano ang gagawin ko!

Nginitian ko lang siya, pero dahil kinakabahan ako, mukha akong natatae. Mas lalo tuloy nagsalubong ang mga kilay niya.

“Uhm... ano kasi...” Bumaba ang mga mata ko sa pagkain niya. Hawak niya ang kubyertos, at bawas na ng kaunti ang pasta niya. “S-Subuan kita!”

Napakurap siya. “Huh?”

Mabilis kong dinampot ang kubyertos at sumandok ako sa pagkain niya, at saka 'yon nilapit sa bibig niya. Pinilit kong ngumiti nang maayos, 'yong hindi mukhang pilit.

“Ah!” sabi ko, pinapabuksan ang bibig niya.

Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. Pero noong pinandilatan ko siya, naintindihan niya na kaya mapang-asar siyang ngumiti sa 'kin.

“Sabi ko sa 'yo pwede namang 'wag na,” aniya pero binuka pa rin ang bibig niya kaya sinubo ko na kaagad sa kaniya ang pagkain.

Satisfied at proud na ngumiti ako, at saka ibinaba ang kubyertos. Akala ko ipagpapatuloy niya na ang pagkain niya, pero nagulat ako nang sumandok din siya sa pagkain ko, hinati ang itlog, at inangat sa bibig ko ang pagkain.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon