Chapter 23

10.7K 576 159
                                    

This chapter is dedicated to
Venice_Lorrin! Hi po sa'yo♥

Chapter 23

Naghahalo na sa pandinig ko ang ingay ng nagbubusenang mga kotse, sigaw ng tindero ng balut, chismisan ng mga dumadaan, ang mga yabag ng pumapasok na mga customer at ang pagbati sa kanila ng gaurd, at ang tunog ng aircon na tanging ingay dito sa loob ng convenience store.

Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing dumaan si Josh. Umupo siya sa tapat ko at nilapag ang choco milk, na nasa bottle pa, sa harapan ko.

Ngumiti ako. “Salamat.” Kinuha ko ang choco milk. Pagkatapos buksan ay kaagad kong ininom.

Napatingin ako kay Josh na binuksan na rin ang choco milk niya at uminom.

He looked like a kid who sneaked out of their house dahil sa suot niya. He's wearing a white cap, black face mask, at itim na hoodie. Naka-jogging pants na kulay itim na may puting line sa magkabilang gilid ng pants, 'tapos puting sapatos.

Pagkatapos niyang magpakita sa akin kanina sa classroom, hindi siya sumagot sa tanong ko. Dumagdag pa sa problema ko ang mga mapanghusgang mata ng mga kaklase ko habang papalabas sila at iniwan kami ni Josh.

Nakakainis. Ayaw niyang sagutin ang tanong ko kung hindi ako sasama sa kaniya. Kaya kahit may gagawin pa sana ako ngayon, sumama na ako sa kaniya. At medyo na-miss ko rin naman ang isang ito, so okay na. Cute niya, eh.

“So...” Tinakpan ko ulit ang bottle. “Ano nga ang ginagawa mo rito?”

Tinakpan niya rin ang inumin niya. Tumingin siya sa labas sandali bago binalik ang tingin sa akin.

He smiled. And damn, ang cute niya. Mukha siyang si Toni Gonzaga.

“Nandito ako para iwasan ang Dragon na bumubuga ng apoy sa apartment,” natatawa niyang sagot.

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano?  Anong dragon?”

He chuckled. “I am talking about Jah,” he answered. “Kaninang umaga pa niya akong tinitingnan nang masama. Parang sa aming apat, sa akin lang siya galit. He even told me he'll throw me to the Bermuda Triangle.” He shrugged. “Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin. And I am guessing that you might know, so nagpunta ako rito.”

Naningkit ang mga mata ko.

Lintek na Jah. Akala ko nagbibiro lang kanina na itatapon niya sa Bermuda si Josh. Galit nga talaga ang isang 'yon.

Napabuga ako ng hangin. “Pwede ba natin siyang puntahan ngayon? I mean... I'll see him para 'di ka na niya tinitingnan nang masama.”

Napanguso siya. “Ano ba 'yan... Nagpunta nga ako rito para makasama ka 'tapos pupuntahan mo naman pala siya.”

Nagsalubong ulit ang mga kilay ko sa kaniyang sinabi. “Wow, ha. Hindi ako shelter na tumatanggap ng mga bata para puntahan mo,” sabi ko habang binubuksan ulit ang choco milk at uminom.

Umangat ang isang kilay niya. He leaned closer, his elbow resting on the table as a support.

“Mukha man akong bata, pero kaya kitang bigyan ng bata,” bulong niya.

Parang dumiretso sa ilong ko ang choco milk kaya naibuga ko ang choco milk na nasa bibig ko pati na ang napasok sa ilong kong choco milk, at diretso lahat 'yon sa mukha ni Josh.

Pareho kaming napasinghap. Siya, dahil sa pandidiri. Ako, dahil sa gulat at takot.

“H-Hala! S-sorry!” Nataranta ako bigla. Dumapo ang mga mata ko sa plastic na nasa gilid na sinidlan nitong iniinom namin, at may tissue ro'n. Kinuha ko kaagad ang tissue at ipupunas na sana sa mukha niya pero inagaw niya ang kamay ko.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon