Chapter 33

8.4K 407 36
                                    

Chapter 33


Pasko na five days from now. At hindi ko maiwasang hindi mainis dahil si Kuya ang inutusan na bumili ng pang noche buena pero ako ngayon ang nandito sa mall.

Minura at binugbog ko na sa utak ko si Kuya. Nasaan ba kasi siya? Ano ba ang 'important business' na pinuntahan niya? Bihis na bihis pa siya kanina, siguro may date? Hindi malabo, babaero na 'yon eh.

Tulak-tulak ang cart, tiningnan ko ang listahan na pinadala ni Mama. Halos mapuno na ang one-half lengthwise na papel sa sobrang dami niyang gustong ipabili. At mag-isa lang ako! Kainis!

“Isang gallon ng toyo,” basa ko sa nakasulat. “Seryoso? Isang gallon talaga? Lalaklakin niya ba 'to.”

Inangat ko kaagad ang paningin ko sa shelf para maghanap ng toyo. At nando'n pa ang toyo sa pinakatuktok ng shelf. Hindi naman gano'n kataas ang shelf, pero hindi rin naman ako matangkad. Napabuga ako ng hangin at tumingkayad para abutin ang toyo.

Maaabot ko na sana ang toyo nang may kamay ang humawak sa toyo at kinuha. Napasinghap ako at kaagad na napatingin sa kaniya. Napakurap ako nang hindi siya mamukhaan.

“Ah, salamat,” sabi ko nang ilagay niya sa cart ko ang toyo.

Ngumiti siya sa akin. “Walang problema,” aniya. “You seem... familiar.”

“Po?” Tanong ko kahit narinig ko naman ang sinabi niya.

Tumango siya. “Yeah... Nakita kita sa... internet! Tama, sa internet!”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Sa... internet?”

Tumawa siya. “You were that rumored girlfriend of Justin! Totoo ba? Na girlfriend ka niya?”

Natigilan ako. Tatango ba ako o iiling? We started this relationship to fool everyone that I am his girlfriend, pero naging totoo na. He's an idol, and I am a non-showbiz. It might affect his career kung tatango ako.

Tumawa ulit siya. “You don't need to answer that, halata namang hindi totoo,” aniya. “By the way... I am Miles.” Nilahad niya ang kamay niya.

“Ah,” tumango ako at ngumiti. “Naji—” Tatanggapin ko na sana ang kamay niya pero ibinaba niya.

Naglaho ang ngiti niya. Napalitan iyon ng nangbabantang titig. She crossed her arms over her chest.

“You better watch out,” bulong niya na may pagbabanta. “You messed with the wrong people, you wench!”

Mas lalo akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Lumakad na siya paalis at sinadya niyang bungguin ang balikat ko, dahilan para mapasandal ako sa shelf at napakapit sa cart ko.

My breathing hitched. Parang akong hinika bigla. I took deep breathes para kumalma ang buong sistema ko. Mariin akong pumikit at napatingala na lang.

--

“Karaoke! May karaoke bar naman siguro rito, hindi ba?”

Wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nakasandal ako sa sofa nina Jennie habang naka-indian sit sa sahig, nakapatong ang unan sa mga hita.

Pagkatapos kong mag-groceries kanina, nagpaalam ako kay Mama na paparito ako kina Jennie. Nasermunan nila ako kasi sinabi ko raw na pupunta ako sa party naming lima no'n. I explained to them why I didn't show up, at naintindihan naman nila.

Pumasok bigla sa utak ko ang nangyari kanina sa grocery. She said she was Miles, kaya pala parang pamilyar siya kasi artista pala. Nagtaka ako sa sinabi niya sa akin. Alam kong wala akong masamang ginawa sa kaniya but she suddenly threatend me. Kaloka.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon