Chapter 41

7.6K 372 28
                                    

Chapter 41

-NAJI's POV-

What a sad and painful way to greet the new year. Nice.

Mag-iisang linggo na rin pagkatapos no'n. Balik na rin kami sa school. Kahit papaano, nakakalimutan ko ang pangyayari na 'yon dahil nagiging busy na rin kami sa school. Kung siguro dati, magrereklamo akong ang daming kaagad ginagawa kahit kakabalik lang namin. Ngayon, parang gusto ko pang dagdagan nila. Gusto kong maging busy.

My friends didn't know I broke up with him. Hindi rin naman nila nahahalata dahil tawa lang naman ako nang tawa at ang saya ko sa harapan nila. Ang tanging may alam lang ay si Kuya at sinabi ko sa kaniyang 'wag ipagsabi kahit kanino—kahit pa kay Mama.

Nag-break ulit sina Jennie at V pero mukhang ito yata ang pinakamasaya niyang naging break up.

“I'm glad that we broke up for real! Sobrang sakal na ako sa kaniya. Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya kaya hindi ko makitang sinasakal niya na ako. I never felt so free like this!” sabi pa niya.

“Mabuti naman!” ani Rose sabay subo ng fries na galing sa pinggan ni Jisoo na hindi nakapasin dahil busy sa cellphone. “Hindi naman 'yon gano'n kagwapo, duh!”

“He actually ranked first sa pinakagwapo sa buong lugar natin,” singit naman ni Jisoo.

“Duh! Last year 'yon,” singit ni Lisa. “Si Kookie na kaya ngayon. Gosh! Crush ko na siya!”

“Hmm!” Pinitik ni Rose ang noo niya. “Isa ka pa!”

Napahawak na lang sa kaniyang noo si Lisa 'tsaka inirapan si Rose.

Ngumiti na lang ako. Kinuha ko ang pineapple juice na naka-bottle 'tsaka marahang uminom do'n.

“'Yong president ng anti-Jennie and V club, tahimik yata ngayon?”

I didn't clearly heard what she said kaya bumaling na lang ako sa kaniya at tinaas ang mga kilay ko.

“Girl!” Rose leaned closer. “Pre-occupied ka yata these days? May problema ka ba?”

Umiling kaagad ako at mas nilawakan pa ang ngiti ko. “Wala naman. Bakit mo naman nasabi?”

She was about to say something pero tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang recess. I am literally saved by the bell.

Binitbit na lang namin ang natira naming pagkain at inubos na sa daan habang pabalik kami sa classroom.

--

Nang nag-uwian na, diretso kaagad ako sa bahay. May assignments kami para bukas kaya ginawa ko sa sala habang nakabukas ang TV at pasulyap-sulyap ako r'on.

Nasa MYX channel ang TV. Sinosolve ko ang equation sa notebook ko nang biglang nag-play ang pamilyar na music sa TV, kaya napaangat ako ng tingin do'n.

I couldn't help but stare at the five men in the video, especially that one person that I missed so much. Habang nakatitig ako sa mukha niya, parang kinukurot ang puso ko at naluluha ako.

“Now the fire in me is startin'
You'll be in my zone!”

Napaawang na lang ang mga labi ko. Bumalik sa akin ang panahong una akong nakapunta sa concert nila. It was the first concert I've ever been too... and it's the most special concert ever.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon