Chapter 34

7.3K 344 29
                                    

Chapter 34

-UNKNOWN's POV-

Dis oras na ng gabi at tulog na ang lahat. Tanging ingay na umaalingawngaw sa buong kwarto ay ang mabilis na pagtitipa ko sa keyboard ng aking laptop. Sobrang dilim dahil nakapatay lahat ng ilaw as kwarto ko, pero ang ilaw mula sa nakabukas kong laptop ang nagsisilbi kong ilaw.

Sandali akong huminto para mag-isip ng idudugtong sa isinusulat kong article. Habang nakatitig sa screen ay kinuha ko ang mug na nasa tabi ng laptop 'tsaka sumimsim sa kape.

Nang may naisip na akong idadagdag, nilapag ko na sa tabi ng laptop ang mug at magsisimula na sanang magtipa nang tumunog ang cellphone ko na nasa kabilang gilid ng laptop.

From: +6399********

Are you done with what I asked you?

Napairap ako. She's so impatient. Hindi kaya madali ang magsulat, tss.

I receive another text from her.

From: +6399********

Dapat bukas na bukas ay tapos na 'yan. Kung hindi pa rin, ikaw na lang ang tatapusin ko!

“Hay, naku.” Inabot ko ang phone ko at t-in-urn off 'yon. “Kung hindi mo lang ako binayaran nang malaki, 'di ko gagawin 'to, tss!”

I started typing again. Ideas came flowing in my head and I let my fingers type them into words. Halos isang oras akong nakababad sa tapat ng laptop bago natapos ang article. At nang natapos na, napangiti ako.

I sighed. “Sa wakas, tapos na rin!”

I picked up my phone and turned it on para mag-send ng text sa babaeng 'yon.

To: +6399********

Tapos na. Send mo na sa'kin ang pera.

Pagkatapos mai-send ang text na 'yon ay pinatay ko na ulit ang cellphone ko.

I exited my WORD at nagpunta sa website kung saan ko ipo-post ang article. I pasted my article there with the pictures and videos. Ilang minuto pang pag-e-edit, ready na siya i-post!

I smirked and clicked the post button. Mas lalo pa akong napangiti nang makita na ang full article.

“Hindi 'to aabutin ng isang linggo, kakalat na ang article na ito sa internet.”

I picked up my mug and sipped coffee. Tumayo ako at iniwan na roon ang laptop ko para kumuha ng panibagong kape sa kusina.

--

ARTICLE:

SB19 Justin Who Was Rumored To Have A Non-showbiz Girlfriend: Fake or Real?

Justin or Justin De Dios is the youngest member of the P-Pop group SB19, who are famous in the country. Just months ago, he was rumored to have a non-showbiz girlfriend. In this article, I will tell you wether it's real or fake.

[See attached photo]

In that picture, it shows SB19 Justin with a girl. You can see in the picture their intertwined hands as they enter the mall. This photo was taken three months ago.

[See attached photo]

And in this photo, he was caught kissing the same girl.

So... that concludes that he really has a non-showbiz girlfriend.

But! There's more...

[Tap to play video]

In the video above, Justin and his "girlfriend" was caught talking inside a convenience store about an "agreement." And that agreement turns out to be... Justin asking the girl to be his fake girlfriend to decieve the fans!

So this rumor turns out to be fake. Justin's relationship with the girl turns out to be fake!

COMMENTS:

View Previous Comments...

@4EveRsAyOwW
what?! so she isn't his girlfriend at all?!

@kDramaLuverz
bakit naman tayo lolokohin ni Jah? Don't believe this, guys! Baka itong mismong article ay fake news!

@iKaWLunGszZhapatNuh
ang kapal naman ng babaeng yan! sino ba yan ha!?

@unknowngurl_04
matagal na akong may galit sa babaeng yan. Sasabunutan ko yan 'pag nakita ko talaga yan! Kapal niyaaaaa!

@queenvirus19
Lul! Sharlene x Justin pa rin. #WalangTitibag

@barbiedolle18
ano yung nasa article? wala ako load. Sa may puso dyan, chismis nyo naman saken kung ano nasa article pls!

***

A/N: ah, alang kwenta 'tong isang 'to😂

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon