Chapter 08

16.9K 690 83
                                    

CHAPTER 08.

KINABUKASAN AY MAAGA akong pumasok sa school. Humihikab ako habang naglalakad papunta sa classroom namin. Nakalimutan ko kasing may assignment kaming ngayong araw ipapasa, 'tapos hindi ako nakagawa. Maaga ako kasi kokopya pa ako.

Na-enjoy ko naman masyadong asarin si Justin sa chat kagabi. Pero hindi niya na ako ni-reply-an pagkatapos ko siyang asarin na gugupitan ko ang buhok ko para maging short-haired. Napikon na siguro, o baka busy lang kasi celebrity siya at sure ako kabi-kabila ang trabahong kailangang gawin no'n.

“Hey! Hey! Look, siya 'yon, 'di ba?”

I held my nape and started twisting my neck slowly. Ang sakit naman ng leeg ko, siguro dahil sa posisyon ko ito kagabi noong natulog ako.

“Oo! Siya nga 'yon! Pangit niya naman pala, 'tapos girlfriend siya ni Justin!? My God, Cassie!”

“I know right! Mas maganda pa nga ako sa kaniya, eh! Tss!”

Napahinto ako sa paglalakad–sa mismong tapat nila ako huminto. Kanina ko pa sila napapansin, pero ayoko sanang patulan pero nauubos ang pasensya ko. Laitin ba naman ako kahit wala akong masamang ginagawa! And hello? College na kami, and in this era, may ganito pa rin?

Humarap ako sa kanila at ngumiti.

“Oh? Bakit kayo huminto? Nakikinig ako, eh,” I said sarcastically. “Pagpatuloy n'yo na. Nandito na ako, oh.” I spread my arms and pointed at myself.

Hindi sila nagsalita. They just rolled their eyes at me and glared at me. Mahina akong natawa.

“'Yan ang problema sa inyo, eh. Ang lalakas ng loob ninyong mang chismis, pero kapag kaharap na ang chinimismis, uurong naman ang dila.” I clicked my tongue and shook my head in a "fake " disappointment. “Sa susunod kasi, galingan n'yo, ha? Iyong hindi ko maririnig.” Humalukipkip ako. “Huli kayo, pero hindi kulong!” I said in a sing-sang before I left them.

Nang makaalis na ako, nawala kaagad ang ngiti ko.

Heto na naman ako sa nagsisimulang magsising pumayag akong maging pretend girlfriend ni Justin dahil lang sa binigyan niya ako ng isang daang libo pambiling libro. Simula kasi noong nagbida-bida siya at pumunta rito sa school, halos araw-araw ko na napapansin ang tingin ng mga tao sa akin.

Kalat na kalat na sa internet na girlfriend ako ni Justin. And everyone's throwing shits about me online, typical job ng mga keyboard warriors.

I can't believe ganoon lang kalaki ang halagang ipinalit ko sa dignidad ko!

Pagkarating ko sa classroom ay kaagad akong gumawa ng assignment. May mga kaklase akong naririnig kong pinag-uusapan na naman ang tungkol sa pagiging girlfriend ko ni Justin pero hindi ko na lang pinansin.

Nang nagsimula na ang klase ay tahimik lang akong nakikinig. Nang natapos na ay hinintay ko sa may hallway ang mga kaibigan ko na nag-C.R. pa. Sila talagang apat.

I was sitting at the last step of the stairs, may hawak akong libro, isa sa mga nabili ko sa 100K na binigay ni Justin sa 'kin. Rom-Com ang story kaya ngiting-ngiti ako habang nagbabasa at tumatawa pa, pero natigil ako nang may biglang sumipa sa hawak kong libro, at napatitig na lang ako rito nang tumilapon ito at bumagsak sa tiles.

“Ha!” she mocked. “Ito ba ang girlfriend kuno ni Justin? Ang baduy naman pala nito. Mas maganda pa pala ako dito, eh!”

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanila. Tatlo sila, and they're all smirking at me. Ang dalawa, hanggang dibdib ang buhok na straight, rebonded. Ang isa, ang nasa gitna, hanggang dibdib din ang buhok pero wavy mula gitna hanggang end. Makakapal ang makeup sa mga mukha nila.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon