Chapter 40

8K 405 54
                                    

Chapter 40

-NAJI's POV-

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Hindi ako makatulog kagabi. O nakatulog man ako, mga ilang oras lang din.

Inu-update pa rin ako ni Josh tungkol sa ginagawa nila para maalis na ang article. Kahit sinabi niyang hindi naman galit sa akin ang kahit sino sa agency nila kasi hindi ko naman daw kasalanan, hindi ko pa rin magawang hindi mag-alala.

Si Jah naman, hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam sa akin. Kahit simpleng text, wala. And he's not even answering to my calls and texts. I'm getting worried.

Nakaupo lang ako sa sofa, nakakandong sa akin ang isang unan kung saan ko naman pinatong ang mga kamay ko na may hawak sa cellphone. I've been keeping this near me all the time, nagbabakasakaling makatanggap ng kahit ano mula sa kaniya. He haven't replied to my text last night about sa pagkikita namin mamayang gabi.

Napabuga ako ng hangin. Wala pa nga kaming isang taon, ganito na kaagad. Ang dami naman palang kontrabida kapag artista at sikat ang jowa mo, hay, naku.

Busy si Mama sa paghahanda ng handaan namin para sa pagsalubong ng bagong taon. Si Kuya naman, may girlfriend na pala kaya minsan wala rito sa bahay. She's also the reason why he cut his long hair, sayang.

Napabaling ako sa pinto nang marinig ang katok mula roon. May bisita kami?

"Naji, anak!" ani Mama mula sa kusina. "Pakibukas, please!"

Tumayo na agad ako. Nilapag ko ang unan at cellphone ko sa sofa bago ako lumakad papuntang pinto para pagbuksan ang kung sino man itong bisita namin.

Pagkabukas ko, nagulat ako nang makita si Papa na buhat-buhat ang nakangiting si Julius. 'Tapos sa likuran nila ay isang hindi pamilyar na lalaki na kaedad ko lang yata. He was so serious while staring at me, like he's familiarizing my face.

"Ate Nana!" Julius spread his arms.

Napangiti ako. "Hello, Julius!" Kinuha ko kaagad siya kay Papa. He's so heavy, as usual. Tumingin ako kay Papa. "Anong sadya n'yo rito, Pa?" I asked.

"Inimbita kami ng Mama mo. Dito na raw kami mag-bagong taon."

Napasinghap ako. "Seryoso? Inimbita niya kayo? Alam ba 'to ni Kuya? He'll be mad if he finds out!"

Tumawa si Papa. "Hindi 'yon. Tiwala lang." Kinindatan niya ako.

"Can we go in now? Nangangalay na ako rito," reklamo ng kasama ni Papa.

Gumilid kaagad ako. Nauna pa siyang pumasok. Sumunod naman kaagad kami ni Papa.

Papa leaned closer to me to whisper. "He's your brother, Justin."

Napasinghap ako. Napatingin ako sa kaniya. "Totoo?"

Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako. Kinuha niya mula sa akin si Julius bago niya pinuntahan si Mama na nasa kusina. Ako naman ay napabaling ng tingin sa kay Justin na nililibot ang paningin sa buong bahay.

So... he's my step-brother? Ang attitude naman pala nito! Mabait naman si Papa 'tsaka si Julius. Saan ba nagmana ang isang ito? Mabait din naman ang Mama nila base sa mga kwento ni Papa. Baka sa Lola 'to nagmana.

Bumalik na lang ako sa sala at nanuod na lang ng TV. Papa, Julius and Justin was in the kitchen, kausap si Mama. I secretly took a picture of Justin and sent it to the girls.

Me:

look at how handsome my fvcking brother is HSHSHSHAHA

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon