Chapter 16

13.4K 599 54
                                    

Note: Starting here and onwards, the chapters are raw and unedited. I decided to just post them all again kahit hindi pa tapos ang editing. Tinamad na ako, charot. I'll edit them slowly na lang while they're posted, kaysa maghintay kayo nang matagal. Busy na ang anteh n'yo sa buhay niya, eh, lol.

***

Chapter 16

"Finally! Semestral break!"

Lahat kami ay naghiyawan nang sabihin 'yon ni Jennie. On normal days, baka nagalit na ako sa sobrang ingay ng buong klase na may pahampas-hampas pa sa lamesa at blackboard. Pero masaya kaming lahat ngayon.

After the one-week long quizzes and compilations of projects; after a one-week long of studying and reviewing every night; finally, semestral break na!

"Saan n'yo gusto magbakasyon, girls?" tanong kaagad ni Jisoo na sigurado akong ipagmamayabang na naman sa amin kung saan siya magbabakasyon. Last summer vacation, sa South Korea kasi siya.

"Hmm... Siguro uuwi ako kina Mama sa probinsya," sagot ni Rose habang nakangiti. "Miss ko na sila."

"Siguro... pupunta ako sa bahay ng Lola ko? Maganda ang view ro'n mapa-araw o gabi, eh." si Lisa.

"Ako naman, dipende kung saan ako itatapon ng parents ko," kalmadong sabi ni Jennie.

Isa pa 'to. Mayaman din. Siguro nauumay na 'to na sa ibang bansa lagi ang bakasyon. Tinanong namin siya no'ng June kung saan siya nagbakasyon, ang sagot niya ay, "sa Japan lang, kumain ng sushi."

"Ikaw, Naji?" Bumaling sila sa akin nang tanungin ako ni Jisoo.

"Hmm..." Pinulot ko ang ballpen ko at sinara ang notebook. "Siguro... sa Seoul."

Napasinghap silang tatlo at mas lumapit pa sa akin. Aroganteng napangiti naman ako. Akala n'yo, ha.

"Seoul? Seryoso?!" Si Jennie. "Doon na lang din siguro ako."

"Saang parte ba ng Seoul?" si Rose.

Iniisip ko pa lang ang isasagot ko ay natatawa na ako. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang hintuturo para hindi matawa. I cleared my throat and answered.

"Sa Seoul... Seoul-loob ng bahay."

Mahina na lang akong natawa nang isa-isa silang disappointed na pabagsak na umupo at tinalikuran ako. Expectations hurt, girls.

Noong nag-uwian na, sabay kaming lima palabas ng school. Hinintay ko pang dumating ang mga sundo nila bago ako umalis. I waved at them one by one, bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Napahinto ako nang mapansing may sumusunod sa akin na puting van. Bigla akong kinabahan. Tanginang puting van na naman!

Mas lalo akong kinabahan nang huminto 'yon sa gilid ko. Pero nang unti-unting bumaba ang glass ng pinto, halos sapakin ko na ang lalaking nang-aasar na nakangiti sa akin habang ipinapatong ang braso sa bintana ng kotse.

"Hi," bati niya pa sabay alis sa sunglasses na suot. Napairap ako.

Why is he here again? Akala ko ba busy na siya dahil isang linggo o higit, ay start na ng concert nila?

"Ano na naman ang kailangan mo, De Dios? Busy ako." Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko.

Hindi naman talaga ako busy. I just wanted a whole-day date with my bed! Ah, my bed. My warm bed.

Habang naglalakad ako, pinausad niya naman ang kotse niya at pinapasabay sa bilis ng lakad ko. Napairap na lang ako. Pwede bang lubayan niya ako kahit isang araw lang? O kahit ngayon na lang? Kakatapos lang ng exams namin at kailangan ko ng isang buong araw na tulog. Pambawi sa palaging 4-5 hours na tulog last week.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon