Chapter 29

8.4K 395 20
                                    

Chapter 29

-JUSTIN's POV-

Flashback, two weeks ago...

Napatingin ako sa brown folder na nilapag niya sa tapat ko. It's small pero parang mapupunit na dahil sa daming files and documents na laman.

“That's the files and documents you requested. Detalyado 'yan,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumango ako. “Salamat.” Inabot ko ang folder at binuksan. It's a notebook with thick cover and many pages, kaya pala parang mapupunit na ang folder.

“Bakit mo ba hinahanap 'yan? Anong kailangan mo sa kaniya?”

“I only paid you for this documents and files, wala akong naalalang binayaran kita para mang-usisa,” I said while flipping and skimming the pages of the note. I closed it and looked at him. “Umalis ka na. Ilalagay ko sa account mo ang bayad.”

Sumimangot siya. “Hindi ba pwedeng cash na lang? Kailangan ko na kasi talaga ng pera, eh.”

Napabuga ako ng hangin. Dinukot ko sa bulsa ko ang aking wallet. Parang bata namang ngumiti at nag-abang ang mokong habang nilalabas ko ang sampung isang libong buo mula sa wallet ko.

“Ayan.” Nilapag ko sa harap niya ang pera. Parang gutom na gutom na kinuha niya ang pera 'tsaka tumayo. “Alis na.”

Yumuko siya. “Salamat!” At mabilis na umalis na siya.

Napailing na lang ako. He's an information broker that some colleague suggested. Habang nasa taping kami no'n para sa bagong music video, aksidente kong narinig ang ilang staff na nag-uusap tungkol sa kaniya. Ang sabi nila, he's the best information broker of the decade, mas magaling pa sa internet at mga detective. I thought they were just joking. I asked that staff kung ano ang pangalan at saan matatagpuan ang information boker na 'yon, and I never regretted hiring him. Habang nasa trabaho ako, he looked for someone for me.

Binuksan ko ulit ang notebook at binasa ang unang page. It was a basic information about the guy I asked him to look for me. May naka-attach din na litrato ro'n.

I sighed. “He lives in Pasig City, with his two sons and wife. The older son is eighteen years old? Kaedad ni Naji. And the other is five. Wife's occupation... domestic helper?” Napailing ako at natawa. “Ang lakas naman ng loob. Akala ko pa naman pinagpalit niya ang kaniyang unang asawa dahil mayaman ang bago niya.”

I continued reading. Nagsalubong ang mga kilay ko nang may mabasang nakakuha ng atensyon ko. “They're legally married?”

I continued reading until the end. Hindi ko mapigilang magtaka sa mga impormasyong nabasa ko. I hired the best information broker at lahat ng impormasyong galing sa kaniya ay totoo.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay tumunog ang cellphone ko. Without looking, kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag.

“Hello?” I flipped another page.

“Jah! Where are you? Magsisimula na ang shoot para sa variety show na mamayang gabi ipapalabas,” si Manger Anne.

“I'll be there later.”

“Dalian mo. Ikaw na lang ang hinihintay nila rito. Nagagalit na ang Director ng show!”

Napabuga ako ng hangin. Kung hindi lang talaga namin kailangang gawin 'yon, hindi talaga ako sisipot.

“Oo na, papunta na ako d'yan.”

Nag-hang up ako 'tsaka tumayo. I closed the note at umalis na ako sa restaurant na 'yon at dumiretso na sa shooting.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon