Chapter 25

10.7K 475 57
                                    

Chapter 25


The next days, pareho na kaming naging busy. Siya, dahil sa mga stage performance, concerts, TV guesting, and many more. Ako naman, dahil sa research namin at ibang school-related works. Pero kahit busy kami, we still found time para kumustahin ang isa't-isa. Although mas busy siya dahil idol.

Halos mag-isang buwan ko na siyang hindi nakikita at puro chats and calls lang kami. I admit, I kinda missed him. Pero dinadaan ko na lang sa paggawa sa mga school papers and works para hindi ako malungkot masyado. Kaso nga lang, kagigil ang mga kagrupo ko sa research. Mabuti na lang mga mayayaman kaya puro financial ang ambag.

“Birthday ng kapatid ni Sejun sa Sabado. Pupunta ka?”

Mula sa notes ko, napaangat ako ng tingin kay Jah. Nasa isang cafe kami ngayon. And yes, we're dating–technically. May exams akong paparating at dapat ay nasa bahay lang ako nag-re-review. But he insisted na magkita kami. Kaya ngayon, he's here with me in the cafe, tinutulungan akong mag-review.

Binaba ko ulit ang tingin ko sa notebook ko sabay sabi, “Hindi ako pupunta. Next week na ang exams, kailangan kong mag-aral.”

“Puro ka na lang review. Chill ka lang,” tumawa siya. “Ilang araw ka nang nag-re-review. Papasa ka pa rin kahit hindi ka mag-aral sa Sabado.”

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Pinagdaop niya ang mga palad niya sabay nguso. “Please? Gusto kang makilala ni Denise, eh.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Denise? Kapatid ni Sejun?”

Tumango siya. “Oo. Kinuwento kita sa kaniya, eh. At kinuwento ka na rin pala ni Sejun sa kaniya. She's curious, kaya gusto ka niyang makilala.”

Napasimangot ako. “Bakit mo naman ako kinuwento sa kaniya?”

Ngumiti siya sabay patong ng baba sa kamay habang nakasuporta ang siko. “Gano'n ako ka-proud sa'yo, eh.”

Napakurap ako. Medyo lumundag ang puso ko ro'n ng mga two seconds.

Inirapan ko siya, ewan ko kung saan ako nainis; sa kaniyang banat ba o sa reaksyon ko sa kaniyang banat. Binaba ko na lang ang tingin ko sa notes ko at binasa 'yon kahit paulit-ulit na ako sa isang sentence dahil na-di-distract ako sa kaniya.

“Sige na, please? Hindi ako pupunta ro'n kapag 'di ka pupunta.”

Napasimangot ako lalo. “At bakit naman nakasalalay sa akin ang desisyon mo? Tss.”

“Sige na, Naji, please?” Ngumuso siya at pinagdaop ulit ang mga kamay. “One time lang naman.”

Napabuga ako ng hangin. “Okay! Fine, sasama na ako sa Sabado.”

Lumawak ang kaniyang ngiti. “Yiiiee!” Tumayo siya bigla at dumukwang papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang halikan niya ang pisngi ko bago siya bumalik sa pagkakaupo sa tapat ko. “Love you!”

My cheeks heated up. “T-taenamo!”

Tumawa lang siya.

Nagtagal pa kami sa cafe. He helped me in memorizing at binato niya rin ako ng questions na parang questions sa final defense ng research. Nang naubos namin ang kape na in-order namin ay saka lang namin naisipang umalis na. Hinatid niya ako pauwi.

Pagkarating sa bahay, gusto pa sana siyang papasukin ni Mama, kaso nasa bahay rin si Kuya. Remembering what happened noong unang nagkita sina Kuya at Jah, baka mas lalo lang 'yong lumala kapag nagkita sila ulit. Kaya pinauwi na lang ni Mama at ako naman ay pumasok na ng tuluyan.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon