Chapter 39

7.5K 366 19
                                    

Chapter 39

-JOSH's POV-

Our shoot for today was cancelled sa kadahilanang hindi dumating si Jah. Ngayon, nasa loob kami ng SUV at pabalik na sa dorm. He's probably there. These past few days, he isn't going out. Lumalabas lang siya kapag gusto niyang kumain.

Naji doesn't know about this. At wala akong planong sabihin sa kaniya.

“Lintek! Malalagot sa akin 'yang si Jah,” galit na sabi ni Miss Anne. Kanina pa siyang nagsasalita at galit na galit.

Siya ang mas nas-stress ngayon dahil siya ang dinidumog ng mga fans. Siya rin ang nilalapitan at pinagsasabihan ng mga Boss namin dahil siya ang aming Manager. I felt bad about that.

Sumandal ako sa upuan 'tsaka pumikit. Katabi ko si Stell na busy sa pagt-twitter. Seryoso ang kaniyang mukha. Sa kabilang tabi niya naman ay si Ken na seryoso ring nakatingin sa labas. Sa likuran namin, nag-iisa si Sejun dahil nakahiga siya at natutulog habang may headphones na nakasapak sa taenga.

--

Nang makarating kami sa dorm, naunang bumaba si Miss Anne at dumiretso sa loob. Sinundan kaagad namin siya dahil baka sapakin niya si Jah sa sobrang galit niya.

“Jah! Justin! Justin!” si Miss Anne pagkapasok sa may sala.

Pagkapasok namin ay sakto namang paglabas ni Jah galing sa kwarto niya. Sa hitsura niya, I guess he isn't taking care of himself. Sobrang gulo ng buhok at mapupungay ang mga mata. Kagigising lang yata. He's only wearing his black t-shirt and boxers habang nakapaa siyang bumaba ng hagdan.

Kinamot niya ang kaniyang ulo, dahilan para mas magulo ang magulo niya ng buhok.

“What's the fuss? Ba't ang ingay-ingay mo,” he asked in a hoarse voice. Kagigising niya nga lang. He's been asleep all day? At ngayon lang siya nagising.

“Anong 'what's the fuss?' Gago ka ba!?” Hinubad ni Miss Anne ang sapatos niya at nagulat kami nang tinapon niya 'yon kay Jah at natamaan ito sa may balikat. “Gago ka ba, ha, o sadyang gago ka lang!?”

Lumapit kaagad kay Miss Anne si Stell para pakalmahin ito. Pero walang effect, mas lalo lang nagalit.

“You said you'll take care of this! Sabi mo ikaw ang bahala, pero ano 'to? I warned you about this before pero hindi ka nakinig!” she continued. “Ngayon, pati kami nahihirapan sa pagiging matigas ng ulo mo!”

Pumikit si Jah, halatang naiirita na rin. “I'm sorry, okay? Hindi ko inasahang magiging ganito—”

“Hindi inasahan? Hindi inasahan!?” Hinubad niya ang isa niya pang sapatos at tinapon ulit kay Jah pero nailagan nito. “Gago ka!”

“Miss Anne, tama na 'yan,” sabi ko nang mapansin na naiirita na si Jah. Tumingin ako kay Jah. “Ang dugyot mo. Hindi ka man lang nag-ayos.”

Inirapan niya ako bago siya dumiretso papuntang kusina. Napatingin ako kay Miss Anne nang marahas na bumuga siya ng hangin at napahawak sa noo niya.

“Jusko! Naii-stress ako! Ano bang naging kasalanan ko sa past life ko para pahirapan ako nang ganito? Hay, jusko po!”

Lumapit sa kaniya sina Ken at Sejun para tulungan si Stell na paupuin at pakalmahin si Miss Anne. Ako naman ay dumiretso sa kusina. Saktong papalabas na rin si Jah kaya naharangan ko siya sa daan.

“Are you okay?” I asked.

Umangat ang isang kilay niya. “What do you think?” sarkastikong tanong niya naman pabalik.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon