SPECIAL CHAPTER

15.4K 659 157
                                    

A/N: Kung inuna mo 'tong tingnan kesa simulang basahin ang story, aba bumalik ka sa chapter one ngayon din!!! Char HSHSHSHS wag naman diretso rito, mga bebewaps. Sayang yung effort ko🥺 char HSHSHSHS

***

At dahil mahal ko kayo at medj na-guilty sa pagpapaiyak sa inyo sa last chapter, here's a special chapter! Pang thank you na rin kasi binasa at tinapos ninyo ang story ko kahit andaming errors at hindi naman kagandahan.

Enjoy reading!

~💙~


-NAJI's POV-


Blanko. Walang laman. Empty.

Ganoon ang naramdaman ko noong nagising ako sa ospital, nakapalibot sa akin ang mga kamag-anak ko at umiiyak, pero wala akong ideya kung bakit sila umiiyak.

Kinabukasan noon ay nalaman ko na naaksidente pala ako. At dahil sa aksidente na 'yon, nagka-amnesia ako. Akala ko sa mga teleserye at nobela lang nangyayari ang ganoong mga eksena pero nangyari sa akin.

Tulala lang ako noon sa kwarto ko sa ospital habang hinihintay na sabihin ng doktor kung kailan ako lalabas. Binibisita ako palagi ng mga kamag-anak at kaibigan para hindi mabagot. Noong una, ni isa sa kanila ay wala akong maalala. Pero unti-unti namang nanumbalik ang mga alaala ko kasama sila. Pero ang sabi ng doktor, may mga memorya akong maliit lang ang chansa na maibabalik, at malaki naman ang chansang hindi na.

Pinipilit kong makaalala, pero sa tuwing ginagawa ko ay sumasakit lang ang ulo ko. Kaya sinabihan ako ni Mama at ng doktor na 'wag kong pilitin ang sarili ko dahil baka mas malala pa ang maging epekto sa akin no'n.

Lumipas ang mga araw, hanggang sa umabot ng linggo, hanggang sa naging taon. Nakalabas na ako ng ospital pero hindi pa rin ako nakakabalik sa pag-aaral. Lumiban ako ng isang taon bago bumalik sa pag-aaral, kaya naging ahead na sa akin ng isang taon ang mga kaibigan ko.

Maayos na sana ang buhay ko. Pero sa tuwing natutulog ako sa gabi, may napapanaginipan ako. Ako na kasama ang isang lalaking malabo ang imahe sa aking utak. May mga scenario sa utak ko na parang totoo, pero hindi ko naaalala kung kailan naganap.

Ang palaging bumabalik sa panaginip ko ay ang scenario na nasa harap kami ng ilog, nakaupo sa aming mga pwet, may fireworks, at hinahalikan ang isa't isa sa ilalim ng mistletoe.

Naimulat ko ang mga mata. Bumungad sa akin ang kisame ng aking kwarto. Marahan lang ang paghinga ko pero naririnig ko.

Napanaginipan ko na naman 'yon. Parehong pangyayari, parehong malabong imahe ng isang lalaki.

Bumangon ako at napabuga na lamang ng hangin. Ilang gabi ko na itong napapaganipan pero binabalewala ko lang kasi akala ko isang simpleng panaginip lang na makakalimutan mo na paggising mo kinabukasan, pero ang isang ito ay paulit-ulit. Sigurado akong hindi ito panaginip lang, kundi isang memorya na nagnanais na maalala ko ulit.

Umalis ako ng kama at nakapaang dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko alam kung anong oras na, pero madilim pa sa labas. Hindi na ako makatulog ulit, kaya naisipan kong uminom na lang muna ng tubig, kung hindi tatalab ay gatas na talaga ang iinumin ko.

Nagsasalin ako ng tubig sa baso ko nang may narinig akong yabag ng papalapit. Nang nag-angat ako ng tingin sa pintuan, nakahinga ako nang maluwag nang makita si Kuya na kakagising lang din.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon