Chapter 18

11K 529 34
                                    

Chapter 18


Hindi ko alam kung paano hindi maging awkward sa harap ni Jah pagkatapos no'n, kaya nagpapasalamat ako nang pagkatapos ng araw na 'yon ay naging busy na sila. Kaliwa't kanan ang mga TV guesting nila sa Philippine TV. Nagsisimula na rin ang kanilang concert, na sa Manila ang una.

Jennie:

Have you seen ur boyfren on tv? Ang gwapo! Sarap agawin haha

Napasimangot ako sa message ni Jennie. The rest in the group chat have seen it, too.

Rose:

Yah yah kainggit ka talaga Naji :(

Lisa:

What? Ano topic n'yo?

Jisoo:

Boyfriend ni Naji. Nasa TV.

Lisa:

Wala kami tv dito sa bukid. Himala nga na may internet dito ngayon.

Jennie:

Oy Naji, seen ka. Kumibo ka naman d'yan!

Napairap na lang ako. I hit the like button before I logged out from my account, at nahiga na lang sa sofa.

I am watching this morning show kung saan nag-g-guesting ngayon ang SB19. Pagkatapos ko malaman na kagabi na may guesting sila, sinadya kong bumangon ng maaga.

It's Friday. Huling araw ng sem-break namin. At sa dalawang linggong sem-break, puro higa, kain, tulog, and repeat ang ginagawa ko. I'm so bored pero nakaya naman. Araw-araw kami nagc-chat ng mga kaibigan ko sa gc, minsan nagpupuyat pa sa gabi. And yeah, they bombarded the group chat with their photos na nagbabakasyon. Jennie sent a photo in a bikini, nasa Boracay siya. Jisoo also sent a photo na naka-fedora hat siya, at nasa beach din siya. Ang kay Lisa naman, nasa bukid siya kaya 'yong picture ng baka ang sinend niya. Rose only sent selfies of here inside her room, pero alam kong nagbabakasyon siya ngayon somewhere.

Nang tumingin ako sa tv, saktong si Jah ang nagsalita. I was not attentive, so I didn't know what the host asked him that made him and the other members laugh. But the next question caught my attention.

“So... May rumors na sinasabing... break na raw kayo ni Sharlene. And it is because you have another non-showbiz girlfriend?”

Napasimangot ako. That's a very personal question to ask. But this is showbiz we're talking about, so that becomes just casual to them.

Jah smiled and shook his head. Mas lalo akong napasimangot.

So what am I? Ano pa't naging pretend girlfriend niya ako? Why is he denying, when in the first place, this is what he wants? Damn him.

Sa sobrang inis ko ay inabot ko ang remote at pinatay ang TV. Tinapon ko sa kabilang sofa ang remote bago padabog na tumayo.

My mood is ruined. I need to wind up.

Naligo na muna ako at nagbihis bago nagpaalam kay Mama na aalis ako para gumala sandali. Wala ngayon si Kuya dahil may trabaho siya, kaya walang kokontra sa akin na gumala.

With my shoulder bag where my phone and wallet is, lumakad lang ako papunta sa pinakamalapit na mall. I'm having a date today with myself.

Pagkapasok ko sa mall, didiretso na sana ako sa Jollibee nang may nahagip ang mga mata ko na pamilyar. Nang tingnan ko at nakumpirma, napasinghap ako.

It's Jennie! And she's with V!

Nakatayo silang dalawa sa counter sa loob ng isang jewelry shop. She was smiling while looking at the jewelries na naka-display sa harap nila. V said something, making the girl on the counter nod and grabbed the jewelry that Jennie pointed.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon