Chapter 47

14.4K 532 254
                                    

A/N: Kung inuna mo 'tong tingnan kesa simulang basahin ang story, aba bumalik ka sa chapter one ngayon din!!! Char HSHSHSHS wag naman diretso rito, mga bebewaps. Sayang yung effort ko🥺 char HSHSHSHS

***

This is the last chapter of this story. Thank you for reaching this part and for the continues support as I write the story! Sana nag-enjoy kayong basahin ito kagaya ng pagka-enjoy ko sa pagsusulat nito. I won't make it this far without your support for this story. Thank you so much, ATIN💙

This whole story is dedicated to all of you who read this story, either silent or not. Thank you for reading my work, even if it isn't that good as the other's works. Thank you for the patience in waiting for the update, for the votes and comments, and for the love and support. I appreciate it all, so much💙

°°°

Chapter 47 (Finale)


- SEJUN's POV-

"Ah! Kapagod." Umupo ako sa sofa rito sa bahay. Kakatapos lang namin mag-shoot para sa ipapalabas naming TV guesting sa susunod na Linggo.

"Kuya!"

Napabaling ako kay Denise na papalapit sa akin. Napangiti ako nang may dala siyang tray na may brownies at pineapple juice.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag ang tray sa coffee table.

"I made these brownies!" aniya sabay palakpak. "I decided to make brownies for my next vlog. Though I am planning to add a little twist to these brownies."

"You're into food vlogging now?" tanong ko sabay kuha ng tinidor at tinusok sa brownies. Sinubo ko 'yon at bahagyang nagulat nang... masarap naman pala.

"Yeah! Gusto ko rin i-try. 'Tsaka in this way, hindi lang ako nae-enjoy. Natututo rin akong magluto!"

Tumango ako. "That's good."

"Denise..."

Pareho kaming napabaling kay Alexandra na pababa na ng hagdan.

"Ate!" Humarap sa kaniya si Denise. "I made brownies!"

Ngumiti si Alexandra. "Really? Baka hindi na naman 'yan masarap, ah?"

Ngumuso si Denise. "Kuya likes it! So masarap na 'to."

"Okay, I'll taste it. Pwede mo ba akong gawan ng juice? I want orange."

Tumango si Denise bago masayang lumakad pabalik sa kusina. Napasunod naman ako ng tingin kay Alexandra nang lumakad siya at umupo sa tabi ko.

Tahimik niyang kinuha ang tinidor ko 'tsaka kumain sa brownies.

Napabuga ako ng hangin. "Did you took down that website already?"

Marahan siyang tumango bago kumain ulit sa brownies. Mahina naman akong natawa.

"I couldn't believe you own that website." Bumaling ako sa kaniya. "Mas hindi ako nakapaniwala nang malamang ikaw pala ang nagbayad sa journalist para i-post ang article na 'yon."

Napaharap na siya sa akin. "Come on... That was, like, two years ago!" aniya. "But... I am guilty of what I did. Handa akong bayaran ang nagawa kong kasalanan."

Mahina akong natawa 'tsaka umiling. "Huli ka na..." Bahagya akong yumuko para kumuha sa brownies. "May nagbayad na para sa 'yo."

Mapait akong napangiti nang maalala ko siya. Ang kaniyang mga ngiti... ang kaniyang tawa... lahat. Kumikirot ang dibdib ko habang iniisip ang mga masasayang sandali na nakakasama pa namin siya.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon