Chapter 03

26.8K 1K 220
                                    

CHAPTER 03.

ANG SABI KO, gusto ko magkaroon ng main character moment kung saan gusto ko ring maranasan ang naranasan ng mga female lead sa nababasa kong stories. Kaso, mukhang magiging villain yata ang role ko, hindi female lead.

Kakauwi ko lang galing school. Nakabihis na ako ng usual na pambahay ko. Nakaupo ako sa kama ko at patuloy na tinitigan ang gift certificate na hawak ko sa kaliwang kamay, habang sa kanan naman ay ang cellphone ko kung saan naka-display ang article na dumaan sa newsfeed ko pagkabukas ko ng social media ko.

It was the article that Kriminal was talking about. Iyong tungkol sa nakunan pala kami ng litrato ng paparazzi, at ginawan kaagad ng storya at p-in-ost agad. Ang sabi rito, secret non-showbiz girlfriend daw ako ni Justin De Dios, ang youngest member ng SB19 na sikat ngayon.

Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan niya, paanong magiging girlfriend niya ako? Mga marites talaga, may maikwento lang, eh.

The article had a lot of comments from fans, saying na fabricated ang story at edited ang pictures. Dagdag pang d-in-eny ng agency ng SB19 ang rumor, kaya nabasura na talaga ang article.

Ayon naman pala. So bakit kailangan niya pa ang tulong ko?

I searched more about them, about SB19. Sikat talaga sila. They started from humble origins, hardworking and geniuses who made their own names in the P-Pop industry. At ngayon, dala-dala na nila ang bansang Pilipinas kung saan man sila magpunta. Sila ang dahilan kung bakit unti-unti na ring nagkakaroon ng recognition ang P-Pop.

I was busy scrolling through my social medias, when a familiar name popped up in my Notifications. Kaagad kong tiningnan kung kanino 'yon galing.

Justin De Dios:

Hi. Free ka ba? Can we talk more about our deal? Sana hindi mo pa makakalimutan. :D

Napakurap ako. Oh, right. In-add ko nga pala ang sarili ko gamit ang account niya kanina.

Ayaw kong ilapag ang gift certificate dahil baka biglang maglaho, kaya inipit ko sa gitna ng mga labi ko ang certificate bago nagtipa ng reply sa kaniya.

Niana Jillian Alcayde:

Anong klaseng tulong ba kasi? Addressed naman na ang girlfriend rumor about sa 'yo, ah.

Justin De Dios:

Kaya nga gusto kitang makausap ngayon? Dahil sasabihin ko sa 'yo at ipapaliwanag ko kung bakit kailangan ko ang tulong mo.

Niana Jillian Alcayde:

Katamad naman. Chat mo na lang, please.

Justin De Dios:

Just come here already. Let's talk about our deal. We'll have agreements and other chuchus sa deal.

Sa store na ito, ha? Look at the attached photo.

May s-in-end siyang picture. Pero napasimangot ako nang makitang mukha niya lang 'yon at malawak siyang nakangiti ro'n. Kahit anong gawin ko ay hindi ko ma-recognize ang store na sinasabi niya. Walanghiya talaga.

Niana Jillian Alcayde:

Ano ba 'yan! Gusto mo bang kausapin ako o ano? Are you gagoing me?

Justin De Dios:

HAHA! Ito na nga. 'Di ka naman mabiro, eh.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon