Chapter 42

7.5K 382 9
                                    

This chapter is dedicated to
@gwennnchan na nakausap ko sa fb, hehe. Thanks sa support! ❤

And also, may pa-cameo para kay Shaine. Hi, Shaine👋😂

°°°

Chapter 42

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay. Naramdaman ko kaagad ang sakit mula sa batok ko pababa sa balakang kaya napangiwi ako. Sinubukan kong gumalaw pero natigil ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng lubid sa mga kamay ko at mga paa. 

"Tawagan na kaya natin siya?"

"Mamaya na! Sabi niya kasi kapag gising na itong babae, tawagin natin siya. Eh tulog pa 'yan, oh!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Malabo pa ang paningin ko at may naaaninag akong pigura ng dalawang tao na medyo malayo sa akin.

Nang naklaro na ang paningin ko, napansin ko kaagad na nasa isang kwarto ako at nakahiga ako sa kama. Nakatabon ang mga kurtina sa bintana at medyo madilim dito. 

Binaling ko ang paningin sa dalawang taong nakita. Kaagad akong napabangon nang mamukhaan sila. 

"Hoy, ikaw! Tanginamo!" sigaw ko pero hindi nila naintindihan dahil sa nakatali sa bibig ko. Sinubukan kong gumalaw para maalis ang mga nakatali sa katawan ko. 

Pareho silang napabaling sa akin. Nang makitang gising na ako, humarap sila sa akin. Ang isa sa kanila ay humalukipkip habang ang isa ay humakbang papalapit sa akin 'tsaka umupo sa kama.

Naka-bonnet ang lalaking nanatiling nakatayo, pero halatang kalbo na siya. Medyo may kulubot na ang mukha niya at marami siyang peklat sa mukha, at may bigote at balbas na kakatubo pa lang sa kaniyang mukha.

Ang isa naman, makapal ang buhok at magulo. Mas bata ito ng ilang taon sa kasama. May peklat ito mula sa gilid ng noo, pababa sa kilay, at hanggang sa ibaba ng mata. Medyo mahaba na rin ang  balbas at bigote nito.

Mukha silang mga serial killer!

"Gising na rin sa wakas ang prinsesa," sarkastikong sabi ng may peklat sa mukha. Kinilabutan ako sa  boses nito dahil parang boses ng mga killer sa horror movies.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na sinabayan ng paghinga ko. Tinaliman ko siya ng tingin. 

Inangat niya ang kaniyang kamay at hinaplos sa pisngi ko. Kinilabutan ako lalo nang maramdamang magaspang 'yon. 

Marahas na ipinilig ko ang ulo ko palayo sa kaniyang kamay at tinaliman ulit siya ng tingin. Natigilan siya sa ginawa ko at rumehistro sa kaniyang mukha ang pagkairita. 

Ngumisi siya. Hindi ko alam kung dahil natutuwa siya o kung dinaan niya na lang sa gano'n ang pagkainis sa akin.

Malalim na bumuga siya ng hangin bago tumayo at humarap sa kasama. 

"Tawagan mo na," utos niya rito.

Tumango ito. Nilabas ang cellphone at may sinubukang tawagan. 

Habang abala sila, ako naman ay sinubukang kalasin ang nakataling lubid sa mga kamay ko. I grinded my teeth so hard in anticipation and nervousness. Napamura ako sa utak ko nang nangangalay na ang mga kamay ko at kusang sumuko. 

"Hello? Ma'am..." Ngumisi iyong naka-bonnet habang may kausap sa cellphone. "Nagawa na namin. Nandito na siya ngayon kasama namin."

Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Kahit hindi nila sabihin, alam ko na kung sino ang kausap nila. Wala namang ibang may matinding galit sa akin para gawin ito sa akin. 

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon