Chapter 12

14K 656 84
                                    

CHAPTER 12.

-NAJI's POV-

NAGSALUBONG ANG MGA kilay ko habang tinitingnan ang establishment na nasa harapan namin. Justin's smiling, but I couldn't smile. Hindi talaga.

“Restaurant?” I asked with one brow shot up. “Dito tayo kakain?’

Napabaling siya sa akin. “Oo? Eh saan ba dapat?”

I rolled my eyes and clicked my tongue.  “Ang mahal dito!.”

Napairap din siya. “Ako naman ang magbabayad, eh, hindi ikaw.”

I crossed my arms, at nginusuhan siya.  “Galit ka rin? Akala ko ba peace offering mo 'to? Gusto mo hindi na talaga tayo magbati?”

Pati siya napanguso na rin. “Pero sabi mo bati na tayo!”

Umiling ako. “Binabawi ko na pala.”

Tumalikod ako at lalakad na sana paalis pero hinawakan niya ang braso ko at saka siya humakbang papalapit sa akin.

Napasimangot siya. “Can't we just eat dito? Gutom na ako, eh!”

Sa totoo lang, hindi ko maseryosong magalit sa kaniya. Ganito ba naman ka-cute ang isang ito. Bwiset!

Napanguso ako, bahagyang umangat ang gilid ng labi. “Mas masarap ang pagkain sa pupuntahan natin. Kaya, tara na!” Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila na siya paalis do'n.

Pumara ako ng traysikel. Nagsiksikan pa kami sa loob at medyo nahirapan dahil matangkad siya. Tinatawanan ko na lang siya sa tuwing nauuntog ang kaniyang ulo sa bubong ng traysikel.

Nang huminto na ang traysikel sa aming destinasyon, excited na bumaba ako at hinila si Justin. Binayaran ko na ang driver bago ko siya ulit hinila papunta sa gilid ko.

“Nasaan ba tayo?” He asked. “Daming stalls. Street food?”

Tumango ako, at saka nakangising iminuwestra ang paligid. “Welcome to the street where every street food is located! Nandito ang mga masasarap na pagkain na mas masarap pa sa mga nasa restaurant pero mas mura!”

Lumiwanag ang kaniyang mga mata. “Gosh! Tagal ko nang hindi nakakain dito! Last ko yatang punta sa ganito ay noong college days!”

Parang tumaas ang ilong ko sa pagmamayabang. Pinagkrus ko ang mga braso ko at saka taas-noong nagbaling ng tingin sa kaniya.

“Mas enjoyable kung dito. Mura na ang mga pagkain, masarap pa!”

“I can pay naman kung doon tayo sa restaurant kanina. I reserved a table pa naman.”

Napanguso ako. “Sana naman muna tinanong mo 'ko kung gusto ko ro'n?”

Napanguso rin siya. “Paano ko nga gagawin, eh galit ka? Ni ayaw mo magreply sa 'kin.”

Napatango-tango na lang ako at nag-iwas ng tingin dahil na-realize kong tama nga naman siya.

“Tara na nga lang. Gutom na rin ako, eh.”

Hinila ko na siya papunta sa pinakaunang stall sa street. Mga fishball at kikiam ang mga binibenta nila. Kumuha ako ng stick at plastic cup at nagsimulang tumusok ng fishball.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon