Chapter 13

13.1K 624 114
                                    

CHAPTER 13.

-NAJI's POV-

THAT WAS THE LAST time we had a date, dahil sa mga sumunod na araw ay pareho na ulit kaming busy sa mga buhay namin. Pero kahit busy, we still communicate with each other.

Everyday, nagcha-chat kami at sinasabi niya sa akin ang mga ginagawa niya. Ang last na sabi niya two days ago, busy na sila these past few days dahil sa tour nila. Their tour will officially start next month, and they're getting ready now.

Even though he's busy, nakakahanap pa rin siya ng paraan para mai-send sa akin ang mga corny jokes niya.

Justin De Dios:

What's the shortest word in the English?

Kapag nasagot mo, may libro ka sakin.

Me:

Uhm... Let me think.

Eunoia.

Justin De Dios:

Mali HAHAHAHA

Me:

Eh ano?

Justin De Dios:

Edi shortest! HAHAHAHA

You Cannot Reply To This Conversation. Learn More.

Natawa ako. I jokingly blocked him. He's really corny! Pero kahit corny ang mga jokes niya, napapatawa pa rin ako. And now, he kept on bugging me through texts sa sim ko dahil blocked na siya sa Messenger. He kept on saying na i-unblock ko na siya. Nabasa ko ang mga text niya, but I didn't reply.

“Malapit na pala ang midterms natin,” sabi ni Jennie. “Nag-review na kayo?”

Nasa field kami ngayon at nagpapahinga sa ilalim ng puno ng mangga. Vacant time namin kaya may isang oras pa kami.

“No need,” confident na sabi ni Jisoo. “Nag-aral naman si Rose, so hindi ako delikado.”

“Gagi! Mag-review ka! Iibahin sitting arrangements natin sa exams. Aba!” Inirapan ni Rose si Jisoo na napanguso na lang.

Napatingin ako kay Lisa na tahimik lang, at nakatulala pa.

“Uy! Lalisa. Okay ka lang?” I called her.

Hindi siya nagsalita. Nanatili pa rin siyang nakatulala. Nagkatinginan kaming tatlo, nagtataka sa inaasal ni Lisa.

“Anong nangyari d'yan?” tanong ko.

Umiling silang tatlo, hindi rin alam ang sagot sa tanong ko. Napabuga na lang ako ng hangin.

“Kapag kinasal ba sina Sam Milby at Sam Concepcion... Si Sam Concepcion magiging Sam Milby na rin?”

Lahat kami ay napatingin kay Lalisa nang nagsalita siya bigla. Napatingin na rin siya sa amin. Bumuga siya ng hangin, nag-iwas ng tingin at tumulala ulit.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon