Chapter 02

35.8K 1.1K 429
                                    

CHAPTER 02.

NAI-IMAGINE KO na super romantic ng first kiss ko. 'Yon bang kapag lalapat ang mga labi ninyo, biglang may parang fireworks na sasabog sa loob mo, magwawala ang mga paru-parong hindi mo alam saan nanggaling, at bibilis ang tibok ng puso mo sa sobrang tuwa dahil ang first kiss mo ay ibinigay mo sa taong gusto mo. Dahil ganoon ang mga nababasa ko sa libro, at gusto ko ring maranasan 'yon.

Pero hindi sa ganitong paraan!

Iniisip ko pa lang na ang first kiss ko ay nakuha ng taong hindi ko kilala, gusto ko na umiyak. Isang pangarap na naman ang natanggal sa listahan ko, at ang pangit pa ng paraan kung paano nangyari.

Walang butterflies in my stomach.

Walang fireworks na sumabog after maglapat ang mga labi namin.

Ugat ko lang sa sentido ang pumutok!

"What happened ba? Ba't puno ng coffee ang uniform mo?"

Napabuga ako ng hangin bago nagbaling ng tingin kay Jennie. Nandito kami ngayon sa malapit na ukay-ukayan dahil noong nakita niya akong marumi ang uniform, nagpanic siya. Ayaw din kasi akong papasukin ng guard dahil nadumihan ang uniform ko.

Gusto niya pa sanang sa mall niya ako bibilhan ng ipampapalit, kaso nakakahiya, kaya sabi ko dito na lang sa may ukay-ukayan dahil mas kakayanin ng konsensya ko kung hindi mahal ang ibibili niya sa akin.

Inabot niya sa akin ang puting t-shirt na may tatak na Chanel, na tinanggap ko naman agad.

“Salamat, Jen. Babayaran kita kapag may pera na ako.”

Tumawa siya. "What? 'Wag na, ano ka ba! You don't have to na, sa 'yo na 'yan. 'Wag mo na bayaran. We're friends after all.”

Nahihiyang tumawa na lang ako. Minsan, makakalimutan kong mayaman nga pala ang isang 'to at barya lang sa kaniya itong tig 100 na ukay-ukay. Hindi niya kailangang patagong ilipat ang tig-100 na damit sa tig-50, dahil kahit ang brand new at branded na damit na limited edition, kaya niyang bilhin kaagad.

"Speaking of friends," sabi ko noong naglalakad na kami papuntang CR dito sa ukayan. "Nasaan pala sina Lisa? Hindi kayo magkasamang pumasok?”

She shrugged. "Where else pa ba? Eh, 'di, do'n na naman sa gym, pinapanuod ang basketball team na maglaro. I think may tryouts para mag-recruit ng new members, and JK and V are there, kaya nando'n sila.”

Napailing ako. "Happy crush daw, pero isang taon na nababaliw pa rin sila do'n. 'Buti hindi ka sumama? Crush mo 'yong V, 'di ba?"

Gusto kong tumawa lang bigla siyang ngumuso, pero pinipigilan niyang ngumiti.

“He's hot and handsome, and all, alright. Pero I know my worth, hindi ako maghahabol sa kaniya. Siya dapat ang hahabol sa akin.”

Tumawa na ako. “Wow! 'Yan ang slay!”

Tumawa lang din siya bago ako tinulak papasok sa CR. Siya na rin mismo ang nag-lock ng pinto. Hinubad ko ang blouse at blazer ko, at saka nilagay sa plastic para kapag nilagay ko sa bag ko, hindi madudumihan ang mga gamit ko.

Diretso na kaagad kami sa school pagkatapos niyanng bayaran ang t-shirt. Siya na rin ang nagpaliwanag sa guard kung bakit kailangan kong mag-t-shirt muna ngayong araw and thankfully, pumayag na ang guard. 'Buti naman, kapal niya naman kung mas strict pa siya kaysa sa dean, 'no.

At dahil first day nga ng klase, wala kami masyadong ginawa. Naglilibot lang kami at nang nakapag-attendance na, umuwi na rin kaagad.

The next days, feel na talaga namin ang pagiging estudyante dahil nagsimula nang mag-discuss ang profs. Nagbigay na rin ng topic for reporting per group ang ibang profs, at mayroon ding nagbigay agad ng quiz! First week pa lang ng pagbubukas ng klase!

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon