Chapter 10

15.1K 630 32
                                    

CHAPTER 10.

-NAJI's POV-

GETTING OUT OF bed was really one of the hardest thing to do.

Ang bilis lang ng araw at Sabado na agad ngayon. Parang kahapon lang Lunes pa. 'Tapos the day after tomorrow, Lunes na naman. Masakit sa utak at puso isipin 'yon.

I just groaned. Mariin akong pumikit at tumagilid sabay dantay ng isa kong paa sa unan na nilagay ko sa paanan ko. Ngumiti ako nang naramdaman ang pagkakomportable ng kama. I love my bed.

Pero kaagad din akong napamulat at naglaho ang ngiti ko nang maalala ko kung ano ang meron ngayong araw. Pangalawang Sabado ngayon ng buwan na ito. Ibig sabihin.... second date namin ni Justin.

Napabalikwas kaagad ako.

What? Kailangan ko ba talagang sumipot ngayon? Hindi ba pwedeng once is enough? Nagastos ko na naman lahat ng binigay niya at nai-date ko na siya ng isang beses. Okay na naman siguro 'yon?

And then, my conscience popped out of nowhere sabay sabi ng: “Talaga lang, ha? Play fair, Naji. 'Wag mong paasahin ang tao. Kung itutuloy mo 'yang plano mo, baka masaktan mo siya. 'Tapos pababayarin ka niya sa 100,000 pesos na binigay niya!”

Napakurap ako. “Oo nga, 'no?”

“Kaya sumipot ka na.”

Napaigtad ako at napaatras nang marinig ang boses na 'yon. Nang nag-angat ako ng tingin, nagulat ako nang makita ang sarili ko na nakamamahaling yellow dress, maalon ang mahabang buhok, at may fedora hat pa. May hawak pa siyang pamaypay, may mamahaling gloves, at may PRADA na bag na nakasabit sa braso. At na-mention ko na ba ang mamahaling accessories sa katawan niya? Puno ng make up ang mukha ko na 'yon pero sobrang ganda niya tingnan.

Ako ba 'yan? O baka...

“S-Sino ka?!” Pinaghalong gulat at takot ang nadama ko. “Bakit kamukha kita? Kambal ba kita?”

Umirap siya at c-in-lose ang kaniyang pamaypay. “Can't you figure out who I am?” Humakbang siya papalapit sa kama ko. Ako naman ay napasandal na sa headboard. Umupo siya sa dulo ng kama ko. “Don't be sacred of me.”

“S-Sino ka nga kasi? Bakit kamukha kita pero mukha kang mayaman na ako?” I asked again. “Don't tell me ikaw ang future na ako? Yumaman ba ako? Ten years from now ka ba galing? Twenty years? Thirty?”

“Gaga!” Umirap siya. “Konsensya mo 'ko!”

Napakurap ako. “Konsensya ko?” Bakit ang ganda niya namang konsensya?

Teka... Nababaliw na ba ako?!

Bumuga siya ng hangin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinaypayan ulit ang sarili gamit ang mamahaling pamaypay niya.

“Alam mo... siputin mo na lang si Jah,” aniya sa kalmadong boses, “Kesa naman paasahin mo siya. And just to remind you, you made a deal with him. You should stick with the deal. 'Wag kang scammer, Naji.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. Gumapang ako papunta sa kaniya, 'tsaka pinindot ang kaniyang pisngi. Nawi-wierdo-han naman siyang napatingin sa akin.

“Ano ba! What are you doing!?” singhal niya at tinabig ang kamay ko.

She's real? Oh my gosh.

Ang arte pala ng konsensya ko.

“Wala.” Nag-indian sit ako. “So... nandito ka ba para patayin ako? I mean... my conscience always kills me kapag patulog na ako.”

“I can if I want.” She smirked. “But anyway, balik tayo kay Justin. Basta... siputin mo siya.”

Napanguso ako. “Ayaw ko.”

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon