Chapter 36

7.3K 373 17
                                    

Chapter 36

The next days, I spent half the day with Papa and Julius. Sila lang palagi ang naiiwan sa bahay nila. Gusto ko silang bisitahin pero alam kong hindi papayag sina Mama bukod sa malayo ay baka makaabala ako kay Papa. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagpunta ko rito ngayon.

Hindi ko naaabutan si Justin, iyong kapatid ko kay Papa. Ang weird lang na tawagin siya sa pangalan niya kasi kapangalan niya si Jah. Bakit ba kasi ang common ng pangalan na 'yan.

"Pretty," ani Julius kaya napabaling ako sa kaniya. May libro na binigay ang Kuya niya sa kaniya at 'yon ang binabasa namin ngayon. I'm teaching him how to read. 

Napangiti ako. "Ang galing naman!" Napapalakpak ako. "Ulitin mo nga."

"Pretty!" he obliged with a smile. Tinuro niya ako bigla. "You!"

"Aww!" Napahawak ako sa dibdib ko. My heart just melted at what he said. Ang cu-cute talaga ng mga bata, at hindi sila sinungaling.

Mula sa kusina, tinawag kami ni Papa para kumain na ng tanghalian. Nagdala ako ng kaunting groceries para sa kanila kahit alam ko namang binibigyan sila ni Justin, 'yong kapatid ko. 

"Sa susunod na araw, New Year's Eve na," ani Papa habang sinusubuan si Julius. "Pupunta ka pa rin ba rito?"

"Hmm... dipende. Kapag hindi masyadong busy sa bahay, pwede akong tumakas." Tumawa ako. 

Napatawa rin si Papa. "Hindi pa rin ba pumapayag ang Mama mo?"

Umiling ako. "Si Kuya, ayaw niya. Ang laki ng galit niya sa 'yo, eh."

He smiled, but it never reached his eyes. Yumuko siya kay Julius at sinubuan ulit. Hindi na rin ako nagsalita pa tungkol doon, halata namang ayaw pag-usapan ni Papa. 

Nagtagal pa ako roon ng ilang oras pa. Ako na rin ang nagpatulog kay Julius dahil may pinuntahan si Papa sa kabilang baranggay. Nang bumalik si Papa, saka naman ako umalis para umuwi na.

Napadaan ako sa isang mall. Naisipan kong pumasok muna para bumili ng libro kahit isa. Marami pa namang libro sa kwarto ko na hindi ko pa nababasa, pero gusto kong bumili ng bago. 

I scanned the books. Nasa loob ako ng NBS. Wala akong perang natanggap mula sa mga ninang at ninong ko kaya kaunti na lang ang pera ko. Naghanap ako ng libro na mura pero magandang basahin. 

"Wait... siya 'yon, hindi ba?"

"Ang alin?"

"Yong sa ano, sa viral! Hindi ba naipasa ko naman sa 'yo ang link no'ng article? 'Di mo nabasa?"

"Wala akong load, eh."

Nang may nahanap akong libro, kinuha ko 'yon. Nang pumihit ako paharap sa gilid ko para makapunta ng counter, nagtaka ako nang biglang nagsitalikuran mula sa direksyon ko ang dalawang babae. The one with the mid-length hair kept on glancing at me at sinisipat naman siya ng kasama.

Bahagyang kumunot ang noo ko. 

May problema ba sila sa 'kin?

Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon at dumiretso na sa counter. Umuwi na ako pagkatapos. 

Pagkauwi ko, naabutan ko si Kuya na nasa sala. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang plato at kumakain habang nanunuod ng pangtanghali na show. 

Napasimangot ako. "Kuya! D'yan ka na naman kumakain? Walisan mo kapag may tapon, ah!" sabi ko nang napadaan ako sa likuran niya. 

"Opo, Ma'am!" sarkastikong aniya.

"Ay! Naji, anak!"

Hahakbang na sana ako sa hagdan nang tawagin ako ni Mama. Lumingon kaagad ako sa kaniya na kakapasok lang mula sa likod ng bahay, may bitbit siyang laundry basket na laman ang mga tuyo ng sinampay namin.

"Nandito pala si Jennie kanina, hinanap ka kaso wala ka," aniya habang papalayo sa akin. "Sabi niya tawagan mo raw siya kapag nakauwi ka na. Saan ka nga pala galing?"

Nagpunta rito si Jennie? Ano naman kayang kailangan niya. 'Tsaka pwede niya naman akong tawagan ko text-an. 

Inangat ko ang libro na nakasupot pa. "Bumili nito."

Tumango siya 'tsaka na naunang umakyat sa taas. 

Habang pumapanik ako ay nilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni Jennie. Saktong nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko sinagot ni Jennie ang tawag.

"Nagpunta ka raw rito sa bahay," bungad ko. Pumasok na ako sa kwarto. "Ano palang kailangan mo?"

"Naji, let's talk in person," aniya. Sa tono ng boses niya, parang importante ang pag-uusapan namin.

"Okay." Nilapag ko sa kama ang libro at ang bag ko. Lumakad ako papuntang cabinet. "Saan ka ba? Pupuntahan kita—"

"No, ako na ang pupunta riyan."

She, then, ended the call. 

Medyo nagtaka ako roon. Parang importante talaga ang pag-uusapan namin at nagmamadali siya. Umiling na lang ako at saka nagbihis na.

Sumampa ako sa kama pagkatapos. Kinuha ko ang libro 'tsaka tinanggal ang seal para mabasa na ang libro. Nasa panglimang pahina na ako nang may kumatok sa pinto. 

"Naji? Nandiyan ka ba?" si Jennie.

Sinara ko kaagad ang libro at pinagbuksan siya ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa dulo ng kama.

"Bakit? Anong pag-uusapan natin?" I asked her. 

Parang tinakbo niya pa papunta rito, hinihingal siya at puno ng pawis ang gilid ng noo. She held both my hands and rested them in her lap.

"Naji, may problema tayo—I mean, kayo pala."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Huh? What do you mean?"

"Promise mo muna sa akin na hindi ka magugulat sa ipapakita ko sa'yo."

"Dipende kung ano 'yang ipakita mo."

Bumuga siya ng hangin bago kinalkal ang sling bag na dala at nilabas ang phone. Pinagmasdan ko siya habang busy siya sa kung ano sa kaniyang phone. Makalipas ang ilang minuto, hinarap niya sa akin ang screen ng phone niya.

Binasa ko ang unang salita na nandoon. Habang patagal na binabasa ko, unti-unting namilog ang mga mata ko. Sa sobrang gulat ko, inagaw ko ang phone mula sa kaniya 'tsaka patuloy na binasa ang naroon. I even played the video that's attached.

"H-hindi naman totoo 'yan, hindi ba?" ani Jennie pero hindi ko na siya napansin. Masyado akong busy'ng kabahan at magulat. "Alam na naman natin ang showbiz. Gagawa nang gagawa ang mga tao ng bagay ikakasira—"

"Jennie..." Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. "Pwede iwan mo muna ako? Please?"

Tumango siya. Tumayo siya at aalis na sana. Inagaw niya ang phone niya na nasa kamay ko bago siya tuluyang umalis ng kwarto.

Napahawak ako sa noo ko. Naii-stress na ako. 

Kung sino man ang nagsulat ng article na 'yon, he or she knows our secret. May video pa siya! Kumalat na ang article na 'yon, marami na ang nakakita. Wala ng silbi kung mag-e-explain ako. At kung tatahimik lang din ako, iisipin nilang totoo ang nasa article. Well... totoo 'yon kung noong mga nakaraang buwan lumabas. 

Nanginginig ang mga kamay na nilabas ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Jah. Baka nabasa niya na ang article na 'to, at baka alam niya rin kung ano ang gagawin namin dito.

The number you have dialed is—

"Shit!" I dialed his number again. Habang tumatagal ang pag ring, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. "Answer me... please..."

The number you have dialed is out of coverage area—

Shit! Nasaan na ba siya? Why isn't he answering his phone?! Damn this. Ano nang gagawin ko? Hindi lang ang buhay ko ang damay dito, pati na ang kaniyang career! At baka madamay din ang iba niyang kasama sa grupo dahil dito.

I tried again and again, but he's not answering. Dumidiin na ang pagpipindot ko sa screen ng phone ko. Naiiyak na ako sa pinaghalong frustration at kaba.

I'm fucked up. We're fucked up. Big time.

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon