Chapter 22

11K 511 110
                                    

Chapter 22


“Naji!”

Naalimpungatan ako at mariing napapikit nang marinig ang matinis na boses ni Mama. Kay aga-aga, ngumangawa na. Ano na naman ba ang problema niya? Hays.

“Tsk!” Bumangon ako habang nakapikit pa rin. Napakamot ako sa ulo ko. Humikab ako. Masyado pa akong inaantok para tumayo at gumalaw.

“Naji!” si Mama ulit, kasabay ng katok sa pinto ng kwarto ko.

Napamulat ako, pero inaantok pa rin. I groaned. “Bakit ba?” Garalgal pa ang boses ko dahil bagong gising. Napasimangot ako sabay kamot ulit sa ulo ko dahil sa inis.

“Bumangon ka na d'yan at maligo. May pasok ka pa!” aniya. “Dalian mo, ha. 'Wag kang tatamad-tamad! Maligo ka. Pinag-init na kita ng tubig kaya hindi na rason na 'di ka maliligo ngayon dahil malamig.”

Napahikab ako. Nang tingnan ko ang oras mula sa cellphone ko na nasa bedside table, parang gusto ko ulit humiga sa kama. Jusmiyo, 5:20 pa lang ng umaga!

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko nang tumunog ito. Bago ko pa man buksan ang Messages, lumitaw na sa screen ang pangalan na hindi ko inasahang magte-text, kasabay ng kaniyang dalawang salitang mensahe.

Justin De Dios:

Good morning :) ♥

Napakurap ako. Kaka-send niya lang ng message. Gising na siya nang ganito kaaga?

It's been a while since I received a text or message from him. Ngayon pa lang ulit siya nag-text. Hindi rin naman ako nagte-text sa kaniya.

I bit my lower lip while staring at his message. Magrereply ba ako? O hindi na lang? Kung 'di ako magrereply 'tapos tatanungin niya ako, ang isasagot ko wala akong load? At kung magrereply naman ako, baka siya pa ang maging dahilan na ma-late ako kahit ang aga gumising.

I shook my head. Okay... I choose the latter.

I tapped the reply box and typed my reply to him.

Me:

Magandang umaga rin!

Pero mas maganda pa ako sa umaga😉

Natawa ako sa sariling sinend. I was about to type another message for him, pero naunahan niya ako.

Justin De Dios:

Mas gaganda ang umaga ko kapag makikita kita ngayon😙

I pressed my lips together and covered  them with my hand to stop myself from giggling. Taena, sige pa, De Dios. Kainis ka, ah.

Me:

Ha-Ha-Ha-Ha!

Apat na tawa para sa kakornihan mo.

Justin De Dios:

Korni nga.

Pero kinilig ka naman.

Aaaminiiiin~

“Tanginamo.” Hindi ko alam kung saan ako napamura. Sa inis ba sa kaniya o sa kilig.

Me:

Assuming ka, boi

Nalanghap mo yata lahat ng usok mula sa ihawan ni Josh

Exclusively Dating The Idol | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon