MFL #41

829 23 15
                                    

Isang linggo nang walang Xian na nagpaparamdam kay Ada, isang linggo na rin ang lumipas simula nung pumunta si Candy sa korea.

Nagtataka si Ada kung bakit wala si Xian, di rin ito pumapasok sa klase at hindi rin ito naglaro sa laban nila sa basketball.

Gustong subukan ni Ada na tanungin si Miggy, pero lagi nyang naaalala na nag decide na nga pala syang kalimutan si Xian, kahit nahihirapan sya.

Naninibago man si Ada, pero mas gusto nya yung ganito, yung walang Xian na magpapaalala ng nararamdaman nya para dito.

Sa nakalipas na isang linggo ay naging tahimik si Ada, at gabi gabi nyang iniinda ang sakit na nararamdaman nya. Gusto nya lang naman mag mahal, pero hindi pwede dahil may masasaktan.

Ang isang linggong lumipas ay nadagdagan pa ng isang linggo, pero wala paring Xian na nagpaparamdam kay Ada. Akala nya ay magiging masaya sya kasi wala ito sa paligid nya, at akala nya mas magiging madali ang pag limot nya, ngunit sa bawat araw na lumilipas ay tumitindi ang kalungkutan na nararamdaman nya, nagsisisi syang di sya pumunta sa park nung araw na hinihintay sya ni Xian.

"Okay ka lang?" Tanong ni Sassy sa kanyang kaibigan na si Ada

"Luto na ang pagkain" sabi ni Hailey na may dalang pagkain na kanyang niluto galing sa kusina.

Si Ada at Hailey ay nasa bahay nila Sassy upang hintayin ang pagbabalik pinas ng kanilang kaibigang si Candy.

"Da, pansin ko nitong mga nakaraang araw naging tahimik ka na, at pansin kong ang lungkot ng mga mata mo" sabi ni Hailey

"May problema ba? I think 2 weeks ka ng ganyan" sabi ni Sassy na nag-aalala para sa kaibigan

"Okay lang ako" sabi ni Ada habang nakangiti sa harap ng kanyang mga kaibigan.

"You're not a good liar Da" sabi ni Hailey

"I'm just telling the truth that I'm okay, I'm r-really o-okay" nauutal na sabi ni Ada at di nya na napigilan ang pagluha ng kanyang mga mata.

*Crying* *Sobbings* 😭

"Yan ba yung okay, tsk!" Sabi ni Sassy

"Psh, what happened ba?" Nag aalalang tanong ni Hailey.

Tanging pag iyak lamang ang nagawa ni Ada, hindi nya magawang mag salita, dahil inuunahan sya ng kanyang pagluha.

"Nakakainis ka, may problema ka pala pero di mo sinasabi samin" malungkot na sabi ni Sassy habang hinihimas ang likuran ng kaibigan.

Ilang linggo ng dinadamdam ni Ada ang kalungkutan, hindi nya mailabas ito dahil ayaw nyang mag alala ang mga tao sa paligid nya, kaya mas mabuting itago nya na lang ito, ngunit ngayon? Ngayon ni Ada nalabas ang mga luhang naipon na dulot ng kalituhan, at kalungkutan.

"Mahal ko *sob* si Xian" sambit ni Ada.

"Alam namin" nag aalalang sabi ni Hailey

"Mahal ka rin naman nya, sabi nya yun sa voice record na sinend ni Candy diba" sabi ni Sassy na kinagulat ni Ada kaya napatigil ito sa kanyang pag-iyak.

"How did you know about that confession?" Gulat na tanong ni Ada sa kaibigan

"Sinend rin kasi samin ni Candy yun" sabi ni Hailey

"Masaya kami para sayo, kasi mahal ka rin ng taong mahal mo" sabi ni Sassy

"P-pero hindi pwede, hindi pwedeng ipagpatuloy ko pa yung nararamdaman ko para kay Xian, kasi mahal sya ni Candy, ayokong masira yung meron kaming dalawa" malungkot na sabi ni Ada

"Pero ikaw naman ang mahal nya" sabi ng isang pamilyar na boses na namiss ng lahat. Napatingin sila kung san nanggaling yun, at na-surprised sila nung makita nila si Candy na nakatayo sa pintuan ng bahay nila Sassy.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon