Chapter 47

970 31 0
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN:

- The Shoot Out -

Lexine

"GOOD AFTERNOON, Teacher Frias!" sabay-sabay na bati nina Savannah, Calyx, at Vander pagkabukas na pagkabukas namin ng pintuan ng cafe ni Frias.

Nagtinginan tuloy sa amin 'yong mga tao sa loob samantalang napangiti naman sa amin ang mga workers ng cafe. Napatawa na lang tuloy ako.

"Cy!" Agad naman kaming napatingin sa batang tumatakbo papunta sa amin.
"Kyr!" tawag din ni Cypher kay Kyrzien nang makalapit ito.

Napahinto tuloy si Kyrzien sa balak sana nitong pakikipag-fist bump kay Cypher na kadalasan nilang ginagawa kapag nagkikita.

Nagtataka siyang napatingin kay Cypher na blanko lang naman na nakatingin sa kanya. Napakamot na lang tuloy siya sa batok niya kasabay ng paglapit sa kanya ni Arzi.

"Hi," nakangiting bati naman ni Savannah kay Kyrzien.
"Hello," bati pabalik ni Kyrzien.

Napatingin siya kay Cypher tapos napatingin kay Savannah, then kay Cypher ulit tapos kay Savannah. Then sa bag na hawak ni Cypher which is kay Savannah.

Doon ay napatango-tango na siya habang nakangising nakatingin kay Cypher. Natawa pa nga siya kaya nabatukan tuloy siya ng nanay niya.

"Baliw," singhal pa sa kanya ni Arzi sabay nakangiting tingin sa akin. "Hi Lex," bati niya sa akin.
"Nandito rin pala kayo. Si Frias?" tanong ko naman.
"Hm. Actually, tinutulungan ko ngayon si bakla. Nasa loob siya ng office, sinabi niya kasi sa amin na paparating nga kayo,"
"Gano'n? Bakit, may problema ba siya?" tanong ko ulit.
"Naku! Wala naman. Marami lang kasi ang tao ngayon sa cafe. Eh alam mo namang kakaunti lang ang trabahador ng baklang 'yon. Ayan, no choice kami. Tulong tuloy sa pag-serve gano'n," nakangising sagot naman niya.

Naiiling na natawa na lang ako sa kanya sabay tingin sa mga bata na nag-uusap na pala.

"Pinagpapalit mo na talaga kami Cypher! Nakakatampo ka ah!" Ang naabutan kong sabi ni Calyx.
"Shut up, Cal," walang emosyon namang saad ni Cypher kay Calyx.
"Tss. You're no longer a friend, Cy," singhal naman ni Vander kay Cypher.
"Tss. As if you can ignore me for a long time," nakangising saad naman ni Cypher sa dalawa sabay hila kay Savannah at naglakad na papuntang office ng Frias.

Nakapamulsa namang sumunod si Kyrzien sa dalawa na nginisian din sina Vander at Calyx.

"Ah! The nerve! Van, that kid has a nerve!" hesterikal na anas ni Calyx kay Vander na ang sama ng tingin sa likod ni Kyrzien.
"He did. Walang pwedeng umagaw sa titulo ko bilang best friend ni Cypher! That brat!" Vander spat at nagmamadaling sumunod sa loob.
"Van! Ako ang best buddy! Hindi ikaw! Sandali!" habol naman ni Calyx kay Vander.

Sabay naman kaming natawa ni Arzi sa kanila. Naiiling na sumunod na lang din kami ng lakad sa kanila. Pero napahinto ako nang may maalala kaya naman muli akong napaharap kay Arzi.

"Bakit?" takang tanong niya.
"You need workers, right? I can help, kahit mabilis lang," sagot ko.
"Eh? Hindi ba't susunduin kayo ng asawa moi?" takang tanong niya ulit.
"Yes. Pero mamaya pa naman 'yon. Nagkaroon kasi siya ng emergency meeting tapos gusto din niyang mag-enjoy muna sina Vander dito gaya nga ng request nila kay Tarvy," paliwanag ko naman.

And yes. Kanina kasing paglabas namin ng school ay tumawag sa akin si Tarvy na kasalukuyan daw siyang nasa helicopter papuntang Lag_una para sa isang meeting na biglaan ding in-announce. So talagang medyo matatagalan kami dito.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now