Chapter 9

1.5K 48 1
                                    


CHAPTER NINE:
- A Part of Her Memory -

Lexine

"MANANG EME," naluluhang ulit ko as I help myself to stand.

Pero napahawak din agad kay boss na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin nang makaramdam ako ng hilo.

"Excuse me, ma'am, but could you leave, please? And leave alone, Cifra will go home with us," malamig na sabi ni boss sa matanda habang inaalalayan ako.

Napahinto tuloy si Manang Eme sa balak na paglapit sa amin at malamig ang ekspresyong tinitigan niya si boss bago pinagtaasan ito ng kilay.

"Kilala kita Mr. Shelton. Papayag akong umalis ngayon at huwag manggulo pero hindi ko hahayaang iwan si Cifra sa 'yo. Alam kong alam mo na pero hindi lahat ng alam mo ay totoo," halata ang disgusto sa boses ni Manang Eme ng sabihin niya iyon kay boss.

Nanigas naman ako sa pagkakasandal ko kay boss nang biglang bumaling sa akin ang mga mata ng matanda. Pero agad akong nagtaka ng makita ang nakangiti at maluha-luha niyang pagkakatingin sa akin.

"Don't worry, Eerah hija, sa oras na malaman mo na ang lahat, bukas lagi ang pintuan ko para sa'yo. Naghihintay na rin ang ama mo sa mansyon. Nasa saiyo na iyon kung alin sa dalawang bahay ka tutungo. Hihintayin kong bumalik ang mga alaala mo at iwan ang taong ito," muli niyang tiningnan nang masama si boss at hinila si Cifra palapit sa kanya. "Eto lang ang masasabi ko sa 'yo Mr. Shelton. Sa oras na bumalik ang mga alaala niya, ipagdasal mo lang na sa akin ang punta niya. Dahil kapag napunta siya sa ama niya, hinding-hindi mo na siya makikita pa. Halika na Cifra," aya niya pagkatapos sa bata.

Hindi pa man nakakailang hakbang sila paalis nang huminto si Cifra at nilingon si boss.

"I'm telling you, mister. Move before everything you had disappeared. People are moving to get what you have now, which they think you don't deserve to have at all. And I think so too. You're not deserving of what you have now, because you are a jerk and a coward. Mommy doesn't deserve you at all," walang emosyong sabi ng bata bago tumalikod at sumunod sa matanda.

Hahabol pa sana si boss sa dalawa nang biglang nanlabo ang mga mata ko bago dahan-dahang mawalan ng malay.

"Mommy!"

Rinig ko pang sigaw ni Cypher bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"SO IT'S a good sign talaga Mr. Shelton. It looks like she really wants to bring back her memories now. Hindi tulad ng dati na ayaw talagang ipasok at i-absorb ng utak niya ang mga alaala niya making her forget everything. So I suggest you bring her to the people whom you think, can trigger back some of her lost memories."

Nagising ako dahil sa naririnig kong maliliit na boses. Napangiwi naman ako at napahawak sa ulo ko nang bigla ay kumirot iyon pero madalian lang at agad ding nawala.

"Thank you Doc Gomez. I'll take your advice," rinig kong sabi ni boss kaya naman napatingin ako sa bandang kaliwa ko.

Doon ko lang napansin na nasa kwarto ko, ako sa mansyon. Then nasa gilid naman ng kama ko hindi kalayuan ang dalawa. A guy wearing a doctor's suit is talking with his boss.

At dahil nakatalikod sa akin si boss ay ang doctor na tinawag ni boss na Doc Gomez ang unang nakakita sa akin.

"Mis—I mean, Mister Shelton. Looks like she's awake. I'll go take my leave," nakangiting sabi ni Doc Gomez kay boss at tsaka ngumiti rin sa akin bago tumalikod at naglakad palabas.

Pagkasarado niya ng pinto ay siyang pagbaling ng tingin ko kay boss. Nagtaka naman ako ng makitang nakatingin din siya sa akin nang mariin. Hindi ko man gusto pero hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng kilay.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now