Chapter 13

1.3K 40 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN:

- Prince Yaun Chasehell Swift : The Past -

Lexine

[AN: This is a part of Eerah and Prince's past so this would be a flashback.]

"Yon-yon! Nakita mo ba si Va-vah?" tanong ng isang maliit na batang babae sa batang lalaki.
"Nope. Baka 'andun na naman yun sa bahay ni Vivi. Tayo na lang muna maglaro Ra-rah," aya naman ng batang lalaki sa batang babae.
"Hmp. Tampo na talaga ako kay Va-vah. Lagi na lang yung Vivi niya ang kalawo niya. Ayaw niya ba satin Yon-yon?" nakangusong tanong ng bata kaya naman agad siyang pinanggigilan ng batang lalaki.
"Ano ka ba Ra-rah. Lablab ka kaya ni Va-vah. Sadyang kailangan lang talagang mapalapit si Va-vah kay Vivi kasi nga ikakasal na sila," pagpapaliwanag naman ng batang lalaki sa batang babae.

Nanlalaki ang mga matang napatingin naman ang batang babae sa batang lalaki. Gulat na gulat sa narinig kaya muling napatawa ang batang lalaki sa itsura ng batang babae.

"Ang ibig mo bang sabihin ay magiging mag-asawa si Va-vah at ang Vivi'ng iyon? Pewo bata pa lang si Va-vah ah? Pano mangyayawi yun?" puno ng gulat na tanong ng batang babae sa batang lalaki kaya muling nakurot ng batang lalaki ang magkabilang pisnge ng batang babae.
"Hahaha...Ang cute-cute mo talaga Ra-rah." Natatawa pang sabi ng batang lalaki habang pinanggigigilan pa rin ang magkabilang pisnge ng batang babae.
"Ano ba yawn Yown-yown! Mashakit kashi!" reklamo naman ng batang babae habang tinatampal ang mga kamay ng batang lalaki na nakakurot sa mga pisnge niya.

Natatawang binitawan naman agad iyon ng batang lalaki sabay akbay sa batang babae.

"Alam mo kasi Ra-rah, may mga tao na kasi talagang nakatakda para sa kanila. Ang swerte nga lang ni Va-vah kasi nahanap na agad niya ang nakatakda sa kanya. Bagay naman sila ni Vivi eh," sabi pa ng batang lalaki habang inaayang maglakad na ang batang babae.
"Gano'n? Pewo di ko pa kasi nakikita yung Vivi na laging kinukwento sa akin ni Va-vah. Tapos may sinabi pa siyang bestfwend daw niya. Kilala mo ba yung mga 'yun Yon-yon?" tanong ng batang babae sa batang lalaki.
"Hmm. Kilala ko sila. Nakita ko na kasi sila. Pero mas gwapo pa rin si Prince Yon-yon kesa sa kanila 'di ba Ra-rah?" pilyong tanong naman ng batang lalaki sa batang babae na may pataas-taas pa ng kilay.
"Hmp. Pano ko masasabi eh di ko pa nga sila nakikita eh!" asik naman ng batang babae sa batang lalaki na nagpatawa lang sa huli.
"Tara na nga lang Ra-rah. Maglaro na lang tayo. Gusto mo ng baril-barilan 'di ba?" nakangiting tanong ng batang lalaki sa batang babae pagkakalas niya ng akbay niya.

Para namang nagnining na bituin ang mga mata ng batang babae habang nakatingin sa batang lalaki. Tuwang-tuwang nagtatalon siya sabay hila sa batang lalaki.

"Sige Yon-yon! Ang maunang tamaan may pawusa ah?!" tuwang-tuwang sabi pa ng batang babae na muling tinawanan ng batang lalaki.

"WAH! Yaun! Yaun! You won't believe this! Hahaha!" natatawang sigaw ng labing-isang tanong gulang na babae pagkapasok niya sa loob ng isang panlalaking kwarto.
"Fvck! What the hell, Eerah! Usong kumatok okay?!" inis namang bulyaw ng labing tatlong taong gulang na lalaki sa babae habang itinakip ang comforter sa half naked na katawan.
"Duh? Makatakip ka naman sa katawan mo Yaun akala mo my abs! Don't me!" mataray na asik lang ng babae sabay lundag sa kama ng lalaki.
"Fvck! Eerah ano ba?! Bumaba ka nga muna! Magbibihis ako!" singhal na naman ng lalaki sa babae na hindi pinansin ng babae.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now