Chapter 28

1.1K 29 1
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT:

- Family Date: Unexpected Date -

Lexine

"MOMMY, mommy, wake up!"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Cypher na ginigising ako. Kusot-kusot ko ang mata kong napabangon sa kinahihigaan ko.

Agad kong nabungaran ang nakangiti at nakabihis na si Cypher habang nakaluhod sa harapan ko sa kama. Otomatiko naman akong napangiti.

"Good morning, baby," inaantok ko pang bati sa kanya sabay hila sa kanya at isinama sa muling paghiga ko.
"Wah! Mommy! Wake up already! Stop sleeping!" sigaw sa akin ni Cypher habang pilit na kumakalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

Napangiti na lang ako ng palihim. Ang cute talaga ng batang ito kahit kailan. At dahil trip ko ngayon si Cypher, pinikit ko lang ang mga mata ko habang mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya.

"Mommy! My hair! My hair! Nasira na!" Napatawa naman ako ng marinig ang bahagyang pagpiyok niya.

Natatawang kinalas ko na ang pagkakahawak ko sa kanya at agad naman siyang bumangon at lumayo sa akin habang nakanguso. Ako naman ay natatawang umupo sa kama habang nakatingin sa kanya.

"You ruined my hair, mommy! Daddy and I did that!" naluluha pang turan niya sa akin.

Agad naman akong nakonsensya ng makita ko ang itsura niya na maiiyak na. Kaya naman itinigil ko na ang pagtawa sabay alis sa kama at naglakad papalapit sa kanya. I kneeled in front of him as I pleaded.

"My, sorry, baby. I didn't know," nakanguso namang hingi ko ng tawad sa kanya.

Agad ko siyang niyakap at agad naman siyang yumakap sa akin pabalik. Napangiti na rin ako ng inipit niya ang ulo niya sa pagitan ng ulo leeg at balikat ko.

"It's okay mommy. Pwede naman naming gawin ulit sa hair ko ang ginawa namin ni Dad kanina. Now I want you to take a bath already, mom. Para tuluyan na kitang mapatawad," he said between my neck.

Napatawa naman ako sa sobrang cuteness niya kapag nagtatagalog. Well, I did ask him to start speaking Tagalog dahil napansin ko na mas at home siya kapag nagsasalita ng English kaya wala din sa kanyang gustong makipag-usap na ibang bata.

Naalala ko pa noong unang beses niya sa school. Five years old na no'n si Cypher at prep schooler pa lang siya. Ng panahong iyon ay bilingual na si Cypher, marunog magtagalog at mag-english. Kaya lang ay sinanay ng tatay sa English, kaya medyo hirap siyang magsalita ng Tagalog, kaya English na lang ng English. But he can understand it.

Biglang pumasok sa isip ko 'yong pagpapakilala niya noong first day of school. Parang Daddy niya lang eh.

—Flashback—

It was morning, and kararating lang namin sa harap ng school. At dahil prep pa naman siya ay pinapayagang pumasok sa school ang mga magulang at nanny na kasama.

"Now remember, baby, okay? Be friendly and always smile para maraming lumapit at makipag-kaibigan sa 'yo okay?" pangaral ko sa kanya habang isinusukbit sa likod niya ang bag niya.
"Okay mommy. I will try," nakangusong sagot naman niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kung tutuusin ay wala akong magagawa kapag nagkagano'n. Gaya kasi ng ama ay hindi talaga nangiti ang batang 'to. Lalo na sa harap ng ibang tao. Sa akin pwede pa, well, maybe to his father too. I don't know. I'm not sure.

Nakangiting tinap ko na lang ang balikat niya as I motioned him to run inside his classroom. Na agad naman niyang ginawa.

Sumunod naman ako at umupo katabi ng iba pang magulang at mga nanny nila. Medyo na-op ako dahil halos lahat ng nanay na andito ay mukhang mayayaman at may kanya-kanyang nanny pang kasama.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now