Chapter 39

1.2K 42 6
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE:

- 8 Letters, Why is it so Hard to Say? -

Lexine

"YEHEY! FINALLY!"

"Hmm... it smells good po, Tita!"

"I'm hungry!"

Sunod-sunod na saad ng mga bata well except syempre sa anak kong nagpapasikat sa future wife kunno niya.

Ayon at gaya ng ama ay tahimik lang at walang reaksyon na naghihintay para salinan ng makakain. Parehong walang ekspresyon at naka-crossed arms ang dalawa na nakatingin sa tatlong bata sa harapan nila. Like father, like son, ang drama nang dalawa.

Tanggap ko pa sana 'yong kay Cypher bakit ganyan 'yan kumilos eh. Pero 'yong sa ama niya? Napatawa na lang ako mentally ng maalala ko ang dahilan bakit nagkaganyan 'yan at parang nawala sa mood.

—Flashback—

Kakalagay ko pa lang nang lahat ng giniling na niluto ko sa isang malaki at malalim na bowl para hindi na kailangang bumalik dito ng bumalik si Tarvy para daw kumuha ng mga baso.

Sinabi ko naman na sabay na kaming bumalik dala ang dalawang malaking bowl ng giniling at adobo na inilagay ko sa tray ng biglang mag-ring ang phone ni Tarvy.

At dahil do'n ay ibinaba muna namin sa counter ang mga dala namin as Tarvy answered a group video call made by Chaos.

Walang ekspresyon lang naman si Tarvy as I watch him answer the call. Napangiti naman ako ng iharap din sa akin ni Tarvy ang phone, though hindi nila ako kita, I can still see their faces.

At hindi ko maiwasan ang magtaas ng kilay ng makita ko ang mga nakakunot na mukha nina Chaos at ang medyo natatawang mukha ng mga asawa nila na nakatabi din sa kanila. Well, except for Huxley, who has no wife around him.

"Yow, gents. I didn't know you'd missed me this early kahit wala pang twenty-four hours mula nang umalis kayo," nakangising bungad ni Tarvy sa kanila na nagpangiti lang sa akin dahil sabay-sabay na umasim ang mga mukha nilang tatlo.
"Fvck you!" sabay-sabay na mura naman nina Chaos at napatawa na lang ako ng tahimik.

Agad namang bumalik sa dating walang ekspresyon ang mukha ni Tarvy as he stared at them.

"What's with the sudden call? You just disturbed us from eating another lunch, as*holes," malamig ang tinig na sabi ni Tarvy sa kanila.

Lalo namang lumalim ang gatla sa noo ng tatlo as Kairus started the talk.

"I just heard a news report that some couple there shows public display of affection so much in front of the kids. What the freakin' hell Ali?!" bakas ang inis sa boses ni Chaos ng sabihin niya iyon.

Agad namang namula ang mga pisngi ko sa narinig. Gosh. Mukhang nagsumbong ang mga bata at ang mga bitter nilang ama ay naging OA mag-react at talagang tumawag pa.

Pfft.

"What's wrong with that? We are a couple after all," walang kiber na sagot naman Tarvy.
"Well, for your information, Alistair, there is a problem there. Mga bata 'yon Ali, baka mamaya pagbalik namin diyan ay ipakilala na lang sa akin ng prinsesa ko na kasal na sila niyang anak mo at plano nang bumuo ng pamilya. Especially that your son is just so alike of you." Kairus hissed.

Pfft.

Todo pigil naman ako ng tawa ki dahil sa narinig. I even saw Tarvy glancing at me with that stoic expression kaya naman todo pigil talaga ako sa tawa ko.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now