Chapter 3

1.7K 64 1
                                    

CHAPTER 3:

Lexine Eerah Galvez: Three Sorry and Three Blushes

Lexine

Isang buntonghininga muna ang pinakawalan ko bago ko itulak pabukas ang malaking pintuan ng mansion.

Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako ngayon. Kanina pa nga lang na namimili ako ng isusuot pagkatapos akong sabihan ng isang katulong na magsuot daw ako ng damit na komportable ako, dahil isasama raw nila ako sa bonding ng mag-ama at para na rin maging bantay nila as a reaper.

Paalala pa niya na magsuot ako ng damit na hindi ako pagkakamalan na masamang tao.

Like, grabe Boss, ah? So mula simula feeling mo mukha akong masamang tao gano'n?

Grabe talaga! Mukha bang pang masasamang tao ang mga suot ko?

Kadalasan kasi kapag nasa mansyon ako, naka-denim pants ako lagi. Kahit kapag nasa mga misyon ako ay ganang mga damit ang suot ko. Mas komportable kasi akong kumilos kapag ganoon.

So 'yung mga damit kong gan'yan ay pang masasamang tao na pala gano'n? I mean 'yung mga damitan kong 'yun ay nagmumukha na akong masamang tao?

Pero 'pag kami ni Cypher ang magkasama? I can dress and act freely 'gaya ng gusto ko. Tsaka sayang naman ang mga dress ko raw na nasa closet ng kuwarto ko sa mansion kung hindi ko naman nasusuot.

Kaya naman hindi talaga ako komportable. This will be the first time that I will wear a dress in front of the Boss. Hindi lang 'yun, nagpaganda pa talaga ako!

Pero uy, hindi ako nagpaganda for him ah! 'Gaya nga ng sabi niya, I should wear a comfortable outfit. And I am comfortable if I wear a dress and put on at least a powder and a lipstick. Sa katunayan nga niyan ay may blush on pa at fake eyelashes akong suot kapag kami lang ni Cypher ang magkasama. At dahil ayaw ko namang ma-misinterpret ako ni Boss kaya lipstick na lang at pulbos ang nilagay ko maliban sa pabango.

Agad na bumungad sa akin ang kotse kung saan nakita kong nagtatawanan ang mag-ama noong mabuksan ko ang pinto. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti dahil sa closeness ng mag-ama.

Akala ko noon ay malupit na ama si Boss kay Cypher. Base na rin sa profile na mayroon siya as the mafia boss. Pero ngayon ay mukhang napatunayan ko na, na totoo ngang malambot ang puso niya when it comes to his only son.

At kahit papaano ay may katotohanan naman ang mga sinabi ni Cypher sa akin. Well now I believe that he's great and a good father. Pero 'yung great and good Boss? Nah. H'wag na lang Cypher.

Bigla namang napatingin sa akin si Cypher at mas lalong lumawak ang mga ngiti niya. Ibubuka na sana niya ang bibig niya ng senyasan ko siyang 'wag ng magsalita.

Paniguradong tatawagin niya lang ako ng Mommy. Baka marinig pa ng daddy niya.

Mukhang napansin naman ni Boss na hindi na tumatawa si Cypher sa pangingiliti niya at nakatingin na lang sa likod niya kaya naman dahan-dahan niyang ibinaba si Cypher mula sa pagkakakarga niya at tsaka humarap sa akin.

Doon ko lang napansin na terno pala ang suot ng mag-ama. Pareho na silang naka kulay navy blue blouse at jeans. Pareho ring messy ang may kahabaan nilang mga buhok. And they really look like each other.

Wala sa sariling napalingon naman ako sa damit ko ng maalala ang damit ng mag-ama.

I wore a simple fitted dress na hindi lalagpas sa tuhod ang haba. Nakasuot din ako ng three inches high heels. At ang nakakagulat lang ay ang kulay din ng dress ko ay navy blue dahil sinadya ko talaga iyon para terno kaming baby ko.

Pero 'di ko inakalang navy blue din pala ang suot ni Boss– Teka lang, hindi naman 'yan gan'yan kanina eh! Kulay green 'yun nang una!

Yuyuko na sana ako para magpaalam ulit ng makita ko ang natatawang tingin ni Cypher sa ama kaya naman napalingon din ako kay Boss. Doon ko lang napansin na nakatingin lang sa akin si Boss.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now