Chapter 26

1.1K 30 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX:

- Deyja Celare -

Lexine

"EVERYTHING'S ready now Devils?" tanong ko habang inaayos ang earpods ko sa kaliwang tenga ko.

Kasalukuyan kaming nasa magkakaibang lugar at nakapalibot sa isang mansyon sa gitna ng kakahuyan sa isang probinsya. At kapwa kami ngayon nakatayo either on the side of our motor bikes or on the hood of our car.

Well technically, ako, si Blood at si Damnaré lang naman ang nagdala ng motor samantalang sina Kismet at Kin naman ay kapwa nakakotse. Samantalang wala na naman sina Wooly at Slacken dahil kasalukuyang may ibinigay na hiwalay na mission sa dalawa.

"Yep."
"Ready boss."
"Let's do this already."
"Tss."

Napailing na lang ako sa kanya-kanya nilang sagot. Nagtataka talaga ako kung paano nabuo ang grupong ito samantalang may kanya-kanya kaming attitude na talagang hindi nagko-compliment sa isa't isa.

Like me, I'm cold and ruthless. And to tell you frankly, this is the true me. Mula ng magising ako ay ganito na ako. Blank, cold, and timid. Ruthless rin lalo na kapag nasa mga missions. Nagbabago lang naman ako noon kapag nasa harap ni Cypher but now, even in front of the Sheltons, my cold facade would melt. Kahit nga kay Frias eh, laging nakakatikim ng coldness ko 'yon dati. Ngayon, para na kaming mag-best friend.

Buti na lang dahil kapag nasa gitna ako ng mission, bumabalik pa rin ako sa dati. Cold and blank, timid but ruthless. Maybe that's the natural me. Kaya naman natural at kusang nalabas ang gano'ng ugali ko.

Samantalang si Kismet naman, which is si Czarina ay half-half lang. Minsan seryoso minsan maloko. Si Khaze a.k.a. Kin na napakayabang talaga at puro kapreskuhan at si Cadence a.k.a. Damnaré na parang laging walang pakialam. At last, si Blythe sl*sh Blood na isang lunatiko.

'Yong dalawang wala naman na sina Wooly at Slacken ay may kanya-kanya ring katangian—este kabaliwan sa katawan. Si Rayzen a.k.a. Wooly, kahit na siya pa ang appointer ng mafia at pinakawais sa amin ay napakaisip-bata naman. Lalo na kapag hindi nakainom ng gamot. Samantalang si Lisander, a.k.a. Slacken, kalandian naman ang puro iniisip. Nagpapasalamat na lang ako at mukhang hindi naman niya tinitira ang mga babaeng pinarurusahan niya dahil kung oo, ewan ko na lang talaga.

See? Kaya nagpapasalamat ako dahil hindi pa naman dumating sa punto na kami na mismo ang nagpatayan sa sobrang pagkaka-contrasting ng mga ugali namin. Anyway, hindi ko naman maipagkakaila ang tungkol sa pantay-pantay naming galing sa pakikipaglaban.

Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit ako ang ginawa nilang leader eh kung tutuusin, mas mataas ang group line sa akin ni Blythe na isang knight samantalang reaper naman ako.

Then agad namang pumapasok sa utak ko na Blythe is a fvcking lunatic at sira-ulo kaya talagang ako dapat ang pinuno.

Samantalang sina Kismet, Damnaré, Kin, Slacken, at Wooly naman ay ang mga rank one limpieza (Kismet), backer (Damnaré), hakken (Kin), ultor (Slacken), at appointer (Wooly) of the top one mafia death listers, the Shelton Mafia.

"Okay then. Let's rock and kill devils." Nakangising sabi ko sabay kuha ko ng dalawang Swiss knife na nakaipit sa motor ko.

Of course, kung handa sila ako din. Except sa hawak kong Swiss knife, may nilagay pa akong dalawa na nakaipit sa buhok ko. Then there were three g*n holsters, kung saan nakalagay ang tatlong CZ 75 ko. Isa sa gilid ng baywang ko then tag-isa sa gilid ng hita ko.

Agad kong iwinasiwas sa ere ang dalawang Swiss knife na hawak ko as I drew out the knife's blade. Then inayos ko naman ang pagkakalagay ng silver na maskara ko sa mukha para naman maayos ang pagkilos ko mamaya.

Protecting the Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now