MGIH C-58: Lost Memories

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Hindi. I mean, mga kasing age natin," kainis naman 'to. Walang matinong sinasagot.

"Tambay sa kanto?"

I glared at her again.

"J-joke lang! Ito naman di na mabiro! Wala ka na bang ibang info?"

"Sa school," maikling sagot ko.

"Aaah!" nagulat naman ako sa pagsigaw niya.

"YUNG JANITOR!"

**Pok**

Binatukan ko nga. Baka na-abduct na ng aliens yung ga-monggong utak nito eh!

"Ito naman! Masyado ka kasing serious sa buhay! Baka kunin ka na ni Lord," sabay kumanta.

"♪And we'll never be royals, it don't run in our blood♪"

"Gaga! Si Lorde naman yun with an 'e'!" umupo ako sa tabi niya.

"Pero seryoso nga, may humalik na ba sakin na lalaki, tapos sa parehong school lang natin nag-aaral?"

Na-stiff siya.

"W-wala," nauutal na sagot niya at hindi rin makatingin sa mata ko.

Nagsisinungaling ba siya? Ayokong pagdudahan ang best friend ko pero hindi ko maiwasang isipin na nagsisinungaling siya sakin.

"Sigurado ka?" tinitigan ko siya sa mata pero pilit niyang iniiwas ang mata niya.

"O-oo naman. Ay Kath! Gusto mong sumama samin mamaya?"

Change topic. Hayaan na nga. Walang sekretong di nabubunyag.

"Hmm, saan?"

"Bibili ako ng damit. Kasama ko si Grey. If you don't mind—"

"S-sure!"

**

Namili kami ng mga damit, kumain sa Savory at ngayon, nasa arcade na naman kami. As usual.

"Kath! Kanta tayo!"

Binigay niya sakin yung song book.

Pagkabuklat ko, napunta agad sa letter M. Unang napansin ng mata ko yung 'My Happy Ending' ni Avril Lavigne.

"Sana magustuhan 'to ni Kendra."

"Why are you disappointed?"

"Nah! I'm not disappointed! Why would I?"

"Oh I forgot to tell you, di na pala tuloy yung ka—"

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit.

"Kath, what happened?" mukhang napansin yun ni Andrea.

"N-nothing. May naalala lang ako."

"Are your memories coming back?"

Natigilan ako.

**

Totoo kayang bumalik na yung alaala ko? Pero kung oo, bakit ngayon lang? God! It's been four years!

Pero hindi ko rin masabing bumalik na nga yung ilan sa mga alaala ko kasi laging blurred pagdating sa lalaking palaging nasa panaginip ko at bigla na lang nagfa-flashback sa utak ko. But I guess, it was Charles. Siya lang naman yung boyfriend ko di ba? Siya lang naman yung mahal ko before.

**

"Nababaliw ka na ba? Nakainom ka ba? Naka-drugs ka ba? Ang adik mo alam mo yun?"

"Yeah. Nababaliw ako kasi di ka na tumigil kakatakbo sa utak ko. Di ako nakainom kasi ikaw yung gusto kong uminom para malasing ka sa pagmamahal ko. And yeah! I'm in drugs 'cause I'm into you. You are my sweetest drug. Kuha mo?" sabay wink. Yuuuuuck! Ang corny niya! Eww!

Marrying the Guy I HateNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ