MGIH C-26: Fuss and Fight

6.3K 156 0
                                    

Love gives you happiness but sometimes love includes fighting.

Kath's POV

I'LL TRY, CHARLES. I'LL TRY.

Sana ganun na lang kadaling subukan yun. Ayokong sabihing di ko siya iiwan kasi di ko kayang ipangako yun. Naging mahina kasi ako. Ni hindi ko man lang siya ipinaglaban sa parents ko. Pero di pa naman huli ang lahat di ba?

"Babe, we'll fight for our love together," he said sweetly then kissed me on the forehead.

We spent our time holding each other's hand with sweet conversations. PDA na kung PDA. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin pero di na ko masyadong kinikilig kapag kasama ko siya. Pero di ko na iisipin pa kung bakit. Basta alam ko, dapat maging masaya ako ngayong kasama ko siya. Dapat i-cherish ko ang bawat sandali na kasama ko siya. Wait. Parang pilit 'no? May DAPAT eh. Ang weird ko na talaga ngayon. Siguro dulot lang 'to ng stress.

"Charles, sorry," sabi ko. Napatingin siya nung nagsalita ako na para bang nagtatanong kung bakit ako nagso-sorry.

"Sorry for everything. Sorry for hurting you, for avoiding you, for not telling you the truth and I'm sorry for not fighting for you," pagpapatuloy ko. Nakatitig lang siya sakin nang matagal. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Baby, you don't have to say sorry. It's not your fault. Hindi mo rin naman 'to ginusto di ba?" sabi niya.

I nodded.

"Pero Charles, hindi kita pinaglaban. Naging mahina ako. Nasaktan kita. I'm sorry for that. Hindi mo alam kung gaano ko pinagtiisang layuan ka. Ang hirap-hirap pero ginawa ko dahil akala ko mas mabuting gawin yon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo yung tungkol sa fixed marriage na yon kasi wala akong maisip na paraan para di ka masaktan pag nalaman mo na yon. Hindi ko-" he cut me off by pressing his soft lips to mine.

When our lips parted, majority of the people were staring at us while some were taking pictures of us.

"Come on, babe. Bago pa tayo dumugin ng tao dito," tumayo siya tapos hinawakan niya yung kamay ko at lumabas na kami.

Hindi pa rin ako makapag-react sa ginawa niya kanina. Para tuloy akong manika na hila-hila niya. Nakatulala pa ko.

"Babe, it's already 8:00. Hahatid na kita," nakangiting sabi niya.

"Uh-uhm-"

"Di ka maka-move on sa kiss?" nakangising tanong niya. Hinampas ko siya sa braso.

"H-hindi ah!" nauutal kong sabi.

"Hindi man ako ang first kiss mo, ako naman ang last kiss mo. Wag ka ng magpapahalik kay Stewart ah!" he said sweetly then winked. Bigla namang pumasok sa utak ko si Tyler. Mahilig siyang mag-wink remember? Pero may something wrong. Bakit ko siya naiisip? I shook my head slightly.

**

Pagkadating namin sa tapat ng bahay, bumaba na siya at pinagbuksan niya ko ng pinto. Bumaba ako at naglakad papuntang gate at saka lumingon.

"Bye Charles. Thank you," then I flashed a sweet smile.

He walked near me then leaned on me. Closer and closer. My eyes shut automatically.

Pero bigla akong may narinig na kalabog.

Napamulat ako.

O______O

Nakita ko si Charles na nasa ground na. At sinong pa bang may kagagawan? Syempre yung bwisit na monster na naman!

Agad kong nilapitan si Charles at tinulungang makatayo.

Marrying the Guy I HateKde žijí příběhy. Začni objevovat