MGIH C-55: Good or Bad News

4.6K 98 2
                                    

But true love is a durable fire, in the mind ever burning, never sick, never old, never dead, from itself never turning.
-Sir Walter Raleigh

Third Person's POV

"Mom?" agad na sinagot ni Kath ang tawag ng kanyang ina.

"Oh my God Sweetie! Are you all right?" bungad sa kanya ng kanyang ina.

"Y-yes, mom. Hmm, masakit lang nang konti yung ulo ko," sagot ng dalaga habang iniiwasan ang paghikbi.

"Thank God! Ano ba kasing nangyari sayo? Ang sabi ni Manang Elisa, nabubog ka raw tapos hinimatay ka na lang bigla. Baka naman masyado mong sini-stress ang sarili mo? Kath, you're old enough to take care of yourself. Alam mo namang wala kami palagi ng dad mo sa tabi mo di ba?"

Tila nabawasan naman ang sikip sa dibdib niya nang marinig ang sinabi ng ina. Hindi dahil sa nag-aalala ito kundi dahil napag-alaman niyang hindi sinabi ng kasambahay ang totoong nangyari marahil ayaw na rin siguro nitong gawing mas komplikado ang sitwasyon.

"Mom, I-I'm alright. I'm doing fine," pilit na pinipigilan ni Kath ang paghikbi. Nagi-guilty rin kasi siya sa ina.

Narinig niya namang bumuntong hininga ang kanyang ina sa kabilang linya.

"You sure? Sweetie, we're so sorry. We forced you to marry someone you don't love. Let's forget everything, okay?"

'Yeah right, mom. FORGET EVERYTHING. Sounds easy. I wish I could wake up with amnesia and forget all these things including Tyler,' naisip ng dalaga.

Hindi sumagot si Kath. Tila ba hinihintay niya lang ang susunod na sasabihin ng kanyang ina.

"Let's start anew. Forgive us, Sweetie, please. You don't have to worry anymore. Everything's in place. Everything is settled," huminto muna ang kanyang ina.

"GOOD NEWS, YOU CAN MARRY THE GUY YOU LOVE, SWEETIE! YOU CAN MARRY CHARLES!"

Kung ano ang ikinasaya ng kanyang ina ay siya namang ikinasikip ng dibdib niya.

"May merging na magaganap. Magme-merge yung company ng mga Perez at yung company natin. Pero hindi na namin kailangang i-fix ang marriage niyo ng anak ng mga Perez because love is already existing between the two of you! Ang bait naman ng fate sa inyo. Imagine, fate is making the way to cross your paths! You two are definitely made for each other. Destined to be with each other's arms! Yo—"

**Duuuuuuuuuuuug**

Nabitawan niya ang cellphone sa bigat ng nararamdaman. Hindi niya lubos maisip ang nangyayari. Para siyang masisiraan ng ulo sa naririnig.

Mukhang hindi na siya sa ordinaryong ospital dadalhin sa susunod kundi sa mental hospital na. Sasabog na ang utak niya sa nangyayari. Nahihirapan siya. Naguguluhan siya.

Agad siyang tumayo at naapakan niya pa ang cellphone na nalaglag sa sahig ngunit ito'y kanyang binalewala lamang.

Lumabas siya ng silid at tinahak ang mga pasilyo, daan palabas ng ospital.

Naka-hospital gown pa rin siya ngunit mala-ninja naman ang kilos niya kaya't hindi siya napapansin ng mga doktor at nars na paroo't parito.

Nalingat lang ang security guard, nakalusot na agad siya.

Tila nakikipagpatintero naman siya sa mga sasakyan ngayon. Ngunit hindi pa rin siya natitinag. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo habang palinga-linga na tila may hinahanap habang paulit-ulit na sumisigaw ng:

"TYLEEEER! ASAN KA NA BA? NANGAKO KANG HINDI MO AKO IIWAN DI BA? MAGPAPAKASAL PA TAYOOO!"

**Beep beeeeeeeeep**

Marrying the Guy I HateKde žijí příběhy. Začni objevovat