MGIH C-65: Special Someone

4.6K 95 5
                                    

Love is composed of a single soul inhabiting two bodies.
-Aristotle

Third Person's POV

Isang taon na lang, makakamit na nila ang inaasam-asam na diploma. Dalawang taon na rin ang nakalipas. Isang taon na lang ang bubunuin nila. Isang taong paghihintay na lang at matatapos na naman ang isang kabanata ng buhay nila. Ano nga ba ang maaaring mangyari sa loob ng isang taon?

Sa pagwawakas ba ng yugtong ito ay magwawakas na rin ang ugnayan nina Kath at Tyler? Paglalapitin pa rin kaya sila ng tadhana o walang sawa pa rin silang paglalaruan?

**

Kath's POV

"Loko, saglit lang naman! Ang bilis mo namang maglakad eh! Anong akala mo sakin kabayo?" pagrereklamo ko.

"Male-late na kaya tayo! Ang bagal mo kasi eh! Kung alam ko lang, dapat di na kita sinundo."

Hinampas ko siya ng handbag ko. Ang sama-sama niya!

"Halika na nga! Wag ka ng sumimangot dyan! Lalo kang pumapangit!"

Hahampasin ko sana ulit siya kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko at kinaladkad ako papasok ng campus.

Natahimik na lang ako. Ang higpit kasi ng hawak niya sa kamay ko.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I like him. I really do. At matagal ko ng tinatago 'to sa kanya. Bukod sa masisira ang friendship namin, hanggang doon na lang talaga dapat, dahil committed na ako kay Charles. Hangga't kaya ko, pipigilan kong lumalim 'tong nararamdaman ko dahil kahit anong pilit ko, hindi talaga pwede. Masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko 'to. I know my limitations. At alam kong hanggang dito lang ako... ang maging best friend niya.

Anyway, nagkabati rin kami ni Charles a few days after kong magdrama.

Nakakainis kasi yung mga sinabi niya sakin noon. Yun na ang worst phone convo namin na hanggang ngayon, fresh na fresh pa rin sa utak ko.

**Flashback**

"Hello Charles!"

"Bakit hindi ka pumasok?"

"W-what?!" sambit ko.

"Absent ka sabi ni Kate," ang cold ng boses niya.

"M-masama y-yung pakiramdam ko Charles," pagdadahilan ko.

"I also called Manang Elisa in case you didn't know. Sabi niya, wala ka sa bahay, pumasok ka sa school."

"C-Charles."

"Now, tell me honestly Katherine, who the hell are you with?"

"Y-yung group mate ko sa... sa thesis! T-tama! Y-yung sa thesis! Hindi pa kasi namin natatapos eh," pagdadahilan ko.

"Sino yung ka-group mate mo?"

"S-si ano si C-Charles! Hehe magkapangalan kayo eh. Galing 'no?"

Haaaay. Kailan ba ako hindi mauutal?

"Kath," seryosong sambit niya.

Kinakabahan ako sa boses niya. Parang gusto ko ng ibaba para lang makaiwas sa mga pwede niyang sabihin.

"B-bakit?"

"I'm not a fool. Charles isn't your groupmate's name right? AT IKAW MISMO ANG NAGSABI NIYAN SAKIN. TAMA BA?"

I remained silent.

"Kath, sabihin mo ang totoo. I'm your fiancé after all. You must be honest with me all the time. Hindi naman ako magagalit sayo eh. Promise," he said with a soft voice. Nakahinga naman ako ng maluwag dun.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now