MGIH C-24: Savior

6.8K 160 5
                                    

Love can turn you into a superhero.

Tyler's POV

Pag-ahon ko sa pool, dumiretso agad ako sa entrance sa may kusina, kaso nakita ko si Kath na kausap si manang kaya sa side door na lang ako dumaan para maunahan ko siya sa taas. Patay ka saking babae ka!

Narinig kong nagpaalam na siya kay manang at umakyat na ng hagdan. Inabangan ko siya sa tapat ng room niya.

Napanganga siya at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ko. Mukhang gulat na gulat si Loko ah!

"Hey!" bati ko na parang walang nangyari. Nakanganga pa rin siya.

"Uh-uh b-ba't. Aaaaaaaaaaah! DOPPELGANGER!" tili niya.

Agad namang tumakbo sa taas si manang pagkarinig ng sigaw niya. Tsk! Naabala pa tuloy si manang! Akala ko pa naman natakot siya kasi akala niya gaganti ako sa kanya, yun pala napagkamalan niya akong doppelganger!

"Katherine, ba't ka tumitili dyan na para kang nakakita ng multo?" tanong ni manang habang umaakyat ng hagdan.

"Manang, may multo, may multo! Waaaaaaaaaah! May doppelganger si Tyler! Manang, ayoko na dito. Aaaaaaaah!" naghi-hysterical niyang sabi.

"Kath, I'm not a ghost!"

"Waaaaaaaaaah! Kilala niya ko, manang! Stalker na multo siya! Baka kung anong gawin niya sakin! Waaaaah! Lumayo ka! Waaaaaah! Manang, ipa-exorcise na natin 'tong bahay!" natataranta niyang sabi.

This time, nilapitan ko na siya at niyakap.

"I'm not a ghost, okay?" mahinahon kong sabi. Ramdam ko yung kabog ng dibdib niya sa sobrang kaba. Sana ganyan din yung tibok ng puso niya pag nakikita niya ko hindi bilang ghost ah, bilang ako mismo.

"Naku, mga bata kayo! Mauna na ko, masusunog na yung niluluto ko sa baba. Kala ko naman kung ano na."

Nag-nod naman ako kay manang.

"Hindi ko na pala kailangang gumanti pa eh. Natakot ka na eh. Hahaha!" sabi ko habang nakayakap pa din. Tinulak niya naman ako at sinuntok sa chest.

"Jerk!" she yelled.

Pumasok na siya sa kwarto niya pero lumabas ulit.

"Ayusin mo yung bed ko. Palitan mo yung bedsheet pati yung pillow cases. Kuha mo na rin ng bagong blanket. Walisin mo na rin yung kinalat mo saka i-mop mo na rin. I'll just take a bath," napanganga ako sa sinabi niya. Whoa! Ano ako? Slave?

"Oh? Tititigan mo na lang? May mind power ka ba? What do you call that? Telekinesis? Tsk! Di ka lang pala monster, alien ka rin. KOKEY!" sabi niya.

"Anong akala mo sakin?" tanong ko.

"SLAVE. You're my slave, right?" Aww. Oo nga pala. Pakshet!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at bumuntong hininga.

Bakit ko ba kasi naisipang guluhin yung kama niya? Naku naman!

"Loko, magsha-shower muna ako. Magkakasakit ako nito eh," sabi ko.

"Sure," with that, pumasok na siya sa bathroom para maligo.

Pagkatapos kong mag-shower at magbihis ng pang ibaba, dumiretso na ako sa room ni Kath. Aayusin ko na yung kama niya nang makatulog na rin ako.

Saktong pagkapasok ko, lumabas na rin siya galing walk in closet.

"Aaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw niya sabay bato sakin ng towel niya sa ulo.

"Don't shout! Bubulabugin mo na naman si manang. Di ka na naawa sa tao!" sabi ko.

"W-why are you half naked? Magbihis ka nga!" sigaw na naman niya. Tigas ng ulo nitong babaeng 'to!

Marrying the Guy I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon