MGIH C-12: Epic Fail

7.3K 161 5
                                    

Love is the hardest habit to break and the most difficult to satisfy.
-Drew Barrymore

Tyler's POV

It's been a week since the day I kissed Kath in front of Charles. Actually, dapat pi-picture-an na naman sana ng photographer ko yung scene namin. Planado kasi yon. Pinalagay ko talaga sa may batok ko yung kamay niya para magmukhang gusto niya ang ginagawa namin. Tapos pi-picture-an dapat yon ng photographer ko kaso di na pala kailangan kasi nakita na niya, in person pa! Nice timing! Yun yung good news. Kaso ang bad news, maayos na ulit sila. Kailangan ko na naman gumawa ng bagong plano. Dahil di ako basta-basta susuko ng ganun-ganun na lang! Wala sa vocabulary ko yun. Mas maganda nga yung ganito kasi mas nacha-challenge ako. Ibang strategy naman ang susunod kong gagawin.

About pala don sa picture kuno ni Charles with a random girl, di totoo yun. Edited lang yun. Genius kasi ako pagdating sa ganito. Pero wa-effect dahil masyado nilang mahal ang isa't-isa. At dun ako nagseselos. Sana mawala na lang yang Charles na yan!

By the way, nandito ako sa tapat ng locker ko. Hinihintay ko si Kath na pumunta dito. Alam kong pumupunta sya sa dito tuwing ganitong oras. May nilagay lang naman ako sa locker nya. The picture, remember? Sayang naman ang pag-e-edit kung di nya naman makikita.

May narinig akong footsteps. Baka siya na yan. Pagsilip ko, siya na nga. Kasama niya yung best friend niya.

"Kath, bilisan mo naman. Nagugutom na ko eh," reklamo ni Alodia. Alodia nga ba yun? Basta siya.

"Pwede ka namang mauna," sabi naman ni Kath sa kanya. Oo! Tama! Mauna ka na! Nang magawa ko na ang misyon ko!

"Sige. Sunod ka na lang ah?"

Yeeeees! Everything goes according to plan.

Narinig ko yung footsteps niya papaalis. Then, narinig ko namang binuksan ni Kath yung locker niya.

"Ano 'to?" mukhang nakita niya na.

"What the?!" mukhang nagulat sya. Masilip nga.

Oh. Nakita na nga niya at gulat na gulat siya sa nakita niya. Galing ng pagka-edit! Success!

Nagkunwari naman akong napadaan lang. Syempre kunwari ako ang knight in shining armor niya. Para may magawa naman akong di labag sa kalooban niya. Masyado na kasi akong naging rude.

Napatingin siya sa gawi ko nang marinig niya yung footsteps ko.

"Ikaw na naman ba ang may gawa nito?!" fierce niyang tanong. Whoa!

Napataas ako ng dalawang kamay as a sign for surrender.

"Whoa whoa whoa! Calm down, calm down. Ano ba yan?" syempre I need to act normal.

Pinakita niya sakin yung picture.

"Si Charles ba yan? Sabi na kasi, may babae siya. Tingnan mo kitang-kita oh!" sa tono ng boses ko, para akong nang-aasar.

"Ikaw na naman may pakana nito 'no?"

"Of course not! Tinigilan ko na kaya kayo," sagot ko naman.

"Liars go to hell," huminto siya tapos nilagay niya yung thumb niya sa ilalim ng baba niya na parang nag-iisip.

"Kung sabagay, di ka pala takot mapunta dun kasi dun naman yung pinanggalingan mo," Aw! She hit a nerve!

Calm Tyler, calm. Masisira ang plano kung papaapekto ka dyan.

"Oo na galing na sa hell pero magiging heaven ang buhay mo kung mamahalin mo ko," ang mais ko naman! Ganun ba talaga kapag tinamaan ni Kupido? Kaso duling yun eh! Instead of hitting me and Kath, he missed me and hit Charles. Duling nga kasi.

Marrying the Guy I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon