MGIH C-58: Lost Memories

4.7K 106 0
                                    

True love is when your mind forgot all about the person you love but your heart didn't.

Kath's POV

"Andrea, alam mo ba, yang cousin slash best friend mo, nakitulog sa bahay?" nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

"What? Naki...TULOG?"

"Yep! Feel at home nga eh."

Naglalakad kami ni Andrea ngayon sa campus. Nagkwento ako sa kanya about sa nangyari kahapon. Natanong niya rin kasi kung ba't absent daw ako kahapon.

"Sige Kath, una na ko. Sunod ka na lang," paalam ni Andrea sakin. Call of nature eh.

"Go ahead."

**

Nasa tapat naman ako ng locker ko ngayon. Kukunin ko pa kasi yung book ko for next subject.

Pagkabukas ko ng locker ko, may nalaglag na letter. Naks! May secret admirer ako! Pero di niya ba alam na may boyfriend ako? Kalat na kaya yun sa buong campus.

"I'm sure you'll like this." yan yung nakalagay sa papel na *sniffs* amoy perfume.

But wait. Masyado yata akong nadala sa amoy. Anong sabi? Di ko gets! Anong 'I'm sure you'll like this'? Anong tinutukoy niya dun? Yung papel o yung scent?

Tiningnan ko yung likod baka may nakalagay kung kanino galing but instead, 'to yung nakita ko, "And after this, you and your boyfriend will break up."

Huwat? Are you kidding me? That's impossible. Mapantrip talaga mga tao ngayon.

I crumpled the paper and closed my locker. When all of a sudden, a guy grabbed my hands and pinned me into the wall. I felt nervous. He leaned closer and closer until our faces were about two inches apart. I can feel his breathing. I want to escape from his grip but I'm too weak to do that. He, again, leaned closer and closer until our lips met. I felt his soft, warm lips brushed against mine. It lasted for so long. I can't move. We're both gasping for air when our lips parted. I slapped him hard on his face.

**

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan.

**Booooooogggsssshh**

Hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya nahalikan ko yung sahig.

Tumayo rin agad ako. Duh?! Hindi kaya masarap makipag-lips to lips sa sahig!

Umupo ako sa kama. Inalala ko yung panaginip ko.

Reminiscing...

Ugh! Hindi ko maalala yung mukha ng lalaking humalik sakin. Parang familiar siya pero hindi ko ma-identify kung sino!

Bakit ba ang wi-weird ng mga nangyayari sakin ngayon? Isama mo pa yung panaginip ko.

**

"Andrea, may nanghalik ba sakin dati?" out of nowhere kong tanong. Bigla ko kasing naalala yung panaginip ko.

"Oo! Yung mga magulang mo!" sabi niya sabay inom ng root beer.

"I mean, lalaki."

"Yung tatay mo," sabi niya sabay lagok ulit ng root beer.

"I mean, iba! Hindi namin kadugo," sabi ko.

"Baka alien."

"Andrea naman eh."

"Si Barney."

I gave her a death glare.

"Baka kapitbahay niyo?"

Marrying the Guy I HateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin