MGIH C-6: Bonding [Part 1]

9.3K 191 2
                                    

Love is when he gives you a piece of your soul, that you never knew was missing.
-Torquato Tasso

Charles' POV

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila pagkatapos kong bumanat.

"Oh hija, nandito ka na pala. Aba! May kasama ka pa pala. Naghapunan na ba kayo?" tanong ni Manang Elisa ba 'to? Siya kasi yung favorite yaya ni Kath.

"Yes manang! Uhm manang, may ice cream pa po ba?" tanong ni Kath. Wow! Ice cream! Gusto ko yun.

"Ahh oo. Nasa ref. Kuhaan ko na lang kayo," alok ni manang.

"Sige po. Pakidala na lang po sa room ko."

Tapos umakyat na kami sa room niya. Ang laki pala ng room niya. Puro purple yung loob. So mahilig pala siya sa purple. Naalala ko tuloy si Barney. Hahaha! Favorite kasi yun ni Kate.

"Babe, sa'n ako matutulog?" tanong ko.

"Sa garden nga."

"Seryoso, babe."

"Masarap kayang matulog dun. Mahangin saka pwede kang mag-star gazing. Kung ayaw mo, sa cr na lang."

"Tabi na lang tayo," suggest ko. Akmang hihiga na 'ko sa kama niya nang pigilan niya 'ko. Hinila niya yung kamay ko para di ako tuluyang makahiga.

"Hep, hep, hep! Sa sahig ka," sabay hila ng kamay ko. Hinila ko naman siya papunta sakin kaya napunta siya sa ibabaw ko. Ang awkward tuloy ng posisyon namin. Nakita ko namang namula yung pisngi niya sabay iwas ng tingin tapos tumayo na siya.

"Ah-eh," sabay kamot niya ng ulo.

"Dun ka," turo sa sahig. Ayoko nga dun! Ang lamig-lamig dun eh.

"A.YO.KO. Malamig dyan 'no! Tabi na kasi tayo," sabay ngiti ng malapad.

"Hindi nga pwede. Babae ako, lalaki ka," pagdadahilan niya.

"So?" gets ko naman yung sinabi niya. Gusto ko lang siyang inisin.

Tinaasan niya ko ng kilay.

"Fine. Dito na lang ako sa sahig," no choice eh. Mahirap pilitin 'tong girlfriend ko. Pahirapan. Baka mamaya pag pinilit ko pa, abutin kami ng umaga dito.

"Good," tapos binato niya sakin yung pillows, comforter, and blanket.

Inayos ko na yung hihigaan ko. Then humiga na. Tsk! Sayang di ko siya makakatabi!

**Knock, Knock**

"Pasok po!"

"Hija, ito na yung ice cream. Pasensya na kung medyo natagalan. May nag-doorbell pa kasi. Uh hijo, ito pala," inabot niya sakin yung uniform.

"Uniform mo raw yan. Dito ka pala matutulog," tapos ngumiti si manang na parang kinikilig.

"Ang kulit niya kasi manang eh!" singit ng baby ko.

Tumawa lang si manang.

"Hijo, bakit hindi ka na lang sa guest room matulog? Malamig dyan sa sahig. Baka magkasakit ka."

"Ayaw niya raw po dun manang kasi baka raw gapang-mmm!" tinakpan ko agad yung bibig niya. Nakakahiya kay manang.

"Mas gusto ko po kasing kasama siya eh."

"Sige na. Bababa na ako huh? Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka," with that, umalis na siya.

**

Kath's POV

*Sniffs*

Ang bango naman ng unan ko. Kaso ba't parang nakayakap din sakin yung unan ko?

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now