MGIH C-37: His Heartbreaking Plan

6.5K 135 8
                                    

Love is the only sane and satisfactory answer to the problem of human existence.
-Erich Fromm

Andrea's POV

"Kath, no! Pabayaan mo na sila," ang kulit talaga ng bestfriend ko! Mana sakin.

Lumabas kasi siya ng cafeteria. Gusto niyang sugurin yung mga gumawa sakin nito. Eh di niya naman alam kung sino. Ano? Kung sino-sino lang dyan? Adik din 'tong si Kath eh 'no? Pansin niyo?

Naiwan naman kami dito ni Grey ko. Inangkin?

"Who did that? Yung mga babae ba kanina?" worried na sabi ni Grey. Kilala ko na siya 'no? Anyway, kinilig ako sa pagwo-worry niya ah. Di ako makapaniwala na yung gwapong nilalang na yun, worried sakin.

I shook my head.

"Then who?" tanong ulit ni Grey. May balak ba siyang ipagtanggol ako?

"Sila Bi—" naputol yung sasabihin ko nang biglang bumalik si Kath. Sabi na kasi di niya naman kilala eh.

"Sino ba kasi yun?" tanong ni Kath habang nagkakamot ng ulo. Ano? Napagtanto niya rin yung katangahan niya?

"Wala nga."

Binatukan niya ako.

Lumabas naman agad siya ng cafeteria. Sinundan ko na siya this time. Na-sense ko kasing may kababalaghan na gagawin si Kath.

"Attention please! Who the hell did this to my best friend?" bigla niya akong kinaladkad para makita ng students yung mga kalmot ko.

"Answer me!" malabatas niyang sigaw. Pag nalaman niyang sila Bianca ang may gawa nito sakin, magagawa niya pa kayang sugurin yung mga yun?

"Kami, bakit?! May angal ka?" fierce na sabi ni Bianca habang nakataas naman ang mga kilay ng mga alagad niya. Mt. Everest lang ang taas teh? Ahitin ko yan nang makita niyo! Magiging kalbong kagubatan yan.

"Uhm, asan na ba kasi si Charles?" bigla siyang napakamot ng ulo. Whahaha! Natatawa ako. Ang epic ng mukha ni Kath! Ahahahahaha!

"'Kaw, nakita mo?" tanong niya pa sa isang babae. Mukhang nagpipigil din ng tawa sa kanya yung babae.

"Aww. Tapang-tapangan si Scaredy Kath. Asan na ngayon yung tapang mo? Ilabas mo!" maangas na sabi ni Bianca.

"Duwag! Palibhasa wala ngayon dito yung knight in shining armor mong si Tyler! Wala rin dito yung tina-timer mong si Charles! You're such a bitch! Two-timer ka na nga, nilalandi mo pa pati si Grey!" dagdag pa ni Bianca. Wait, she already knows about Grey? Psh! -_- Iba na talaga ang malandi.

"No, she's not. You don't even know them personally, do you?" biglang singit ni Grey. Is he trying to protect us or si Kath lang?

**

Kath's POV

"Andrea, aminin mo nga sakin, may gusto ka ba kay Grey?" tanong ko.

"W-wala ah!" sus! Deny pa! Halata naman! Umiibig na ulit ang bruha!

"Oh c'mon! Why can't you look straight into my eyes?" tanong ko. Mwahaha! Aamin din yan, pustahan pa tayo eh!

"Oo na. Crush lang naman eh," she admitted blushing.

"Ayiiiiiiiiieh!" pang-aasar ko habang tinutusok-tusok ko pa siya sa tagiliran.

"Umiibig na ulit si best friend! Don't worry, he's a nice person. He won't break your heart."

**

"Grey, I have something to tell you! Andrea has a crush on you, too. So, what's your plan? Are you going to court her?" excited kong tanong. Syempre hindi naman okay kung ako lang ang may love life, dapat pati si best friend mayroon din. Kaya magpapaka-cupid muna ako ngayon.

Marrying the Guy I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon