MGIH C-7: Bonding [Part 2]

8.7K 185 1
                                    

Love is ironic. People always love the wrong person at the right time and love the right person at the wrong time.

Kath's POV

Nakaupo lang ako sa sofa while waiting for the food he's cooking. Masarap kaya luto niya? Excited na tuloy akong tikman.

"Woooo! My special Adobo for my baby's done!" sabi niya with matching punas ng pawis.

Nilapag niya na yung SPECIAL Adobo niya sa dinning table.

"Come on baby, let's eat!" tawag niya sakin. Lumapit naman ako at umupo.

*Sniffs*

Hmm. Smells good. Eh yung taste kaya, good din?

"It tastes good! I love it! Pwede ka ng mag-apply bilang cook namin!" comment ko habang naka-thumbs up.

"May cook bang iisang putahe lang ang alam?" sarcastic niyang tanong.

"Oo, ikaw!"

"Never akong mag-aapply bilang cook 'no! Mag-aapply ako bilang husband mo!" ayan na naman po siya. Bumabanat na naman. Rubber band lang? Pero nagblush ako dun ah! Enebe!

"Namumula ka na naman, babe. Lakas ng tama ko sayo ah!" ikaw kamo ang malakas ang tama sakin! Literal huh! Matatamaan ka na talaga sakin. Yabang eh!

"Whatever," yun na lang nasabi ko sabay subo ng pagkain.

"Hmm. Anong gusto mong motif ng wedding natin?" kamuntikan naman akong mabilaukan sa sinabi niya. Wedding? Agad-agad? What the fudge?

"Excited much?" natatawang tanong ko.

"Excited na kong maging Perez ka eh. Excited na kong iharap ka sa altar. Saka sa hinaba-haba ng prosisyon, dun din naman ang punta. Kaya wag na tayong makisali sa prosisyon, magkotse na lang tayo para mabilis," nakangiting sabi niya tapos di niya inaalis yung tingin niya sakin. Gosh! Gusto niya ba kong magmelt?

"Wag ka masyadong excited! Baka di tayo magkatuluyan niyan, sige ka!" pananakot ko naman sa kanya. Syempre, di dapat pahalatang kinikilig! Mahirap na. Aasarin na naman ako niyan.

"Ayon sa propesiya, ikaw at ako ang para sa isa't-isa," hay Charles, ang corny mo na naman.

"Kumain ka na nga lang jan! Gutom lang yan!"

Kinuha niya yung spoon ko, sumandok ng kanin at ulam sabay subo sa bibig niya. Eww! Yuck! May saliva ko na yun eh!

"Yuck! Di ka ba nandidiri? May laway ko na yan 'no!" nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain gamit pa din ang kutsara ko. Eww! Para na rin tuloy kaming nag-kiss... indirect kiss.

"Babe oh! Say aaaah!" alam niyo anong ginagawa niya? Pilit akong sinusubuan gamit ng kutsara ko na ginamit niya na. That's gross.

"Kadiri ka! Sinubo mo na yan eh!" maarte kong sabi habang inilalayo yung kutsara na nakatutok sa bibig ko.

Pagkatapos naming kumain, kami na din ang naghugas ng pinagkainan namin. Gosh! First time kong maghugas ng plato. Si Charles pa nga ang nagturo sakin kung paano eh. Sino ba talagang babae samin? Ako o si Charles? Sabi niya, kailangan ko daw kasing matutong gumawa ng gawaing bahay para marunong na raw ako pag kasal na kami. Di naman siya excited magpakasal 'no?

"Babe, dito ulit ako matutulog ah?" paalam niya sakin. Hmm... Payagan ko na kaya? Di ako titigilan niyan pag di ako pumayag. *sighs*

"Oo na," emotionless kong sagot. May magagawa pa ba ko?

"Yeeees!" tinaas niya pa yung kamay niya. Kala mo, nanalo sa lotto. Tss.

"Tabi ulit tayo huh?"

"Ano ka sinuswerte?" tinaasan ko pa siya ng kilay.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now