MGIH C-19: Outing

7.5K 181 1
                                    

Love doesn't make the world go 'round. Love is what makes the ride worthwhile.
-Franklin P. Jones

Kath's POV

Saturday ngayon. Pupunta daw kaming Baguio para daw makaiwas sa stress. Eh duh?! Hindi naman ako stressed physically or intellectually. Emotionally stressed ako, EMOTIONALLY. Kailangan ilayo nila ako sa taong dahilan kung bakit ako nase-stress hindi yung mag-outing kami kasama yung taong yun. The heck?! Makakaiwas ba 'ko sa stress nun? Pinagtitripan ba nila 'ko?

Someone knocked.

"Loko, ready ka na ba? Tara na, baba na tayo," rinig kong yaya ni Tyler sakin.

"No. Mauna ka na. Ayokong kasabay ka!" cold kong sabi.

"Fine," narinig ko naman yung footsteps niya palayo.

Kinuha ko na yung mga dadalhin ko at binuksan ko na yung pinto.

"Boooo!" nagulat ako sa kanya kaya nabitawan ko yung bag na bitbit ko.

"Aaaaaaaaaaaaah!" tili ko.

He laughed hard at me. Hinapit niya pa 'ko sa baywang habang tumatawa.

"Ang cute mo palang magulat, Loko," di ko alam kung compliment ba yun o insult.

Tinulak ko kaagad siya.

"Fuck off!" sigaw ko.

"Nice! Marunong palang magmura si Loko," anong nice dun? Naka-drugs ba 'to?

"Nababaliw ka na ba? Nakainom ka ba? Naka-drugs ka ba? Ang adik mo alam mo yun?"

"Yeah. Nababaliw ako kasi di ka na tumigil kakatakbo sa utak ko. Di ako nakainom kasi ikaw yung gusto kong uminom para malasing ka sa pagmamahal ko. And yeah! I'm in drugs 'cause I'm into you. You are my sweetest drug. Kuha mo?" sabay wink. Yuuuuuck! Ang corny niya! Eww!

"Hindi ko nakuha. Saka ba't ko kukunin? Hindi naman ako magnanakaw!" sagot ko.

"Magnanakaw ka kaya kasi ninakaw mo ang puso ko. Ipapakulong nga kita eh," Geez. Gasgas na yan!

"Kasi ninakaw ko ang puso mo? Geez. Tigilan mo nga ko sa kakornihan mo!"

"Hmm, siguro. Ipapakulong kita sa puso ko," sabay wink ulit.

"Para ka ngang kulangot eh," pahabol niya.

"Kasi pa-hard to get ako? Ikaw din, para kang kulangot," sabi ko.

"Yieeeh! Pumi-pick-up line na rin siya! Bakit?" tanong niya habang nakangiti.

"Nakakairita ka kasi. Pambara sa pinapasukan ng hangin. Kumbaga sa life, pambara ka sa dumadaloy na happiness!" with that, bumaba na 'ko ng hagdan.

Naiwan siyang tulala dun. Basag siya sakin eh. Whahaha!

"Para kang sibuyas," napalingon ako nang magsalita siya ulit.

"Kahit na nakakasakit ka, titiisin ko kasi kailangan kita sa buhay ko na parang ginisa na di kumpleto kung wala ka," napatitig ako sa kanya nung time na yun. Ewan ko kung bakit.

"Kinilig siya oh!" pinisil niya yung ilong ko tapos hinila niya ko pababa.

"Tara na. Mamaya na tayo magbanatan."

Pumasok na kami sa van. Magkatabi kami ni Tyler. Ugh!

"Magpalit nga kayo ng pwesto ni manang!" naiirita kong sabi.

"Magpalit kami ng pwesto? Edi siya na ang pakakasalan mo?" sarcastic niyang tanong.

"Tss. Pambihira! Alam mo, sa lahat ng lalaking nakaaway ko, ikaw ang pinakanakakabwisit! I hate you so much!" sabi ko with matching hampas sa braso niya.

Marrying the Guy I HateUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum