MGIH C-15: Living Under the Same Roof

8.3K 189 5
                                    

To love abundanly is to live abundantly, and to love forever is to live forever.
-Henry Drummond

Kath's POV

"Manang Elisa! Yaya Rose! Yaya Thea!" isa-isa kong tawag sa maids namin.

"Kuya Christian! Kuya Richard!" isa-isa ko namang tinawag yung butlers.

By the way, wala na sila mom and dad. Bumalik na sila a few days ago.

"Oh hija? Bakit?" tanong ni Manang Elisa.

"Manang, nanakawan po yata tayo."

"Ah. Yung mga gamit mo ba? Nasa lilipatan niyo na. Dinala na nila Christian doon kanina," sabi ni manang.

Huh? Lilipatan?

"Manang, ano pong lilipatan?" I asked in curiosity.

"Sa lilipatan niyong bahay ni Tyler."

"Huh?"

"Magli-live in daw kayo eh. Para naman daw makilala niyo ang isa't-isa hanggang sa ikasal na kayo."

Magli-live in daw kayo eh. Para naman daw makilala niyo ang isa't-isa hanggang sa ikasal na kayo.

Magli-live in daw kayo eh. Para naman daw makilala niyo ang isa't-isa hanggang sa ikasal na kayo.

Magli-live in daw kayo eh. Para naman daw makilala niyo ang isa't-isa hanggang sa ikasal na kayo.

Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko yung sinabi ni manang. Ayaw talagang mag-sink in eh.

Loading...

Please wait...

Magli-live in daw kayo eh. Para naman daw makilala niyo ang isa't-isa hanggang sa ikasal na kayo.

What?!

No waaaaaaaaaaaay! This can't be happening! This can't be real!

"What?!"

"Don't worry hija, magkaiba naman kayo ng room."

"Pero manang," yan na lang yung nasabi ko. Di ko na alam ano pang ire-react ko. Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon.

"Hindi ka muna hinatid ni Christian doon para makuha mo pa yung mga dadalhin mo. Baka kasi may gusto ka pang dalhin," pagpapatuloy ni manang.

No choice ako kundi sumunod na lang. Wala eh. Kahit pa ayoko, wala na akong magagawa. Nandun na yung mga gamit ko eh.

Pagkatapos kong dalhin ang mga dapat kong dalhin, hinatid na ko ni Kuya Christian sa lilipatan kong bahay kasama yung demonyong Tyler na yun.

Pagdating namin dun, kumislap yung mga mata ko sa nakita ko.

Ang ganda ng bahay!

Okay lang na dito ako tumira forever pero sana wala si Tyler.

Three storey siya. May garden sa harap tapos may pathway papuntang main entrance ng mansion. May hagdan pa na parang pampalasyo. Tapos may pool pa. Wow! Nananaginip ba 'ko? Pagkapasok ko sa loob, mas napa-wow ako sa ganda. May bonggang chandelier pa sa sala. May malaking flat screen TV mas malaki pa sa TV namin sa bahay, may mga sofa and throw pillows na ang ku-cute ng designs. Ang ganda din ng kitchen. Mayroon ding parang bar counter. Ang saya naman tumira dito. Tapos ang ganda ng mga tiles ng cr dito. Bet ko yung design. May Jacuzzi rin. Lahat din ng kwarto dito may aircon. Mayroon ding sauna. This is really great! Ang galing ng architecture. Feeling ko tuloy ang pangit ng bahay namin dahil di ko akalaing mas maganda pa 'tong titirhan ko kaysa bahay namin.

Marrying the Guy I HateOnde as histórias ganham vida. Descobre agora