MGIH C-16: Revelation

7.4K 163 1
                                    

A flower cannot blossom without sunshine, and man cannot live without love.
-Max Muller

Kath's POV

*Hikab here, hikab there*

Pagtingin ko sa wall clock, 7:24 pa lang. Ang aga ko yatang nagising ngayon? Wala namang pasok. 3 am na kaya ako nakatulog kagabi.

Napatingin ako sa salamin. Para akong zombie. Ang laki ng eyebags ko. Tatakutin ko nga si Tyler! Mwahaha.

Nag-toothbrush at naghilamos na 'ko tapos nagpalit ako ng costume na pang white lady. Dress na puti lang siya, actually. Bubulabugin ko siya. For sure tulog pa yun ngayon. Bwahaha! Makakaganti na rin ako sa wakas!

Lumabas na ako ng room ko at dahan-dahang binuksan yung room niya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Hindi siya yung sumigaw, ako yun!

Pa'no ba naman kasi! Mas mukha pa siyang zombie kaysa sakin. Hindi nga lang yata zombie eh. Kung ako, mukhang zombie lang dahil sa laki ng eyebags ko, siya, mukhang cannibal na sampung taong di nakakain ng laman-loob ng tao.

"Makasigaw ka naman!" bulyaw niya sakin.

"Ba't gising ka na? B-ba't mukha kang cannibal? Pffft!" tanong ko na medyo natatawa pa.

"Di ako makatulog kakaisip ko sayo," banat niya sabay kindat sakin.

"Matulog ka na nga!" sigaw ko sabay labas ng kwarto at binalibag yung pinto.

"Hindi ka mukhang white lady sa suot mo, mukha kang anghel!" sigaw niya mula sa kwarto niya.

Bumaba na lang ako at naghanap ng pagkain sa kusina. Maski pala si Manang Elisa, tulog pa.

Nakakita ako ng oatmeal.

Kaso, may problema. Hindi ko alam kung anong gagawin dito. Huhuhu. Ang hirap din palang maging mayaman. Di marunong sa gawaing bahay. Simpleng pagluluto ng oatmeal, di ko alam.

"Loko, ako na," narinig kong nagsalita si Tyler mula sa likod ko.

"Kaya ko 'to. Marunong ako 'no!" binasa ko na lang yung instructions sa likod. Di naman kasi talaga ako marunong. Ayoko lang magpatulong sa cannibal na yan. Parang kahapon lang monster, ngayon naman cannibal. Ay! Spongebob pala siya kahapon.

Natapos na din ang paghihirap ko sa wakas. Grabe, paghihirap talaga? Parang oatmeal lang eh.

Nilagay ko na yung first food ever na ginawa ko sa table while smiling widely. Feel na feel ko eh. Feeling ko chef na ko.

"What's this?!" then he chuckled.

"Soup?" natatawang tanong niya.

My face turned red when I heard what he said. Laitin ba ang oatmeal ko?

"Edi wag kang kumain," nilayo ko naman sa kanya yung bowl ng oatmeal.

"Hindi talaga!" tapos tumayo siya at lumapit sa telepono. O-order yata siya.

Ang bad niya sakin. Ahuhuhu! Ang sakit naman sa feelings nun. Mukha namang masarap yung gawa ko eh... masarap itapon sa basurahan.

Tinikman ko yung oatmeal ko...

Oops!

Takbo sa sink!

Yuck! Ano ba 'to?! Maarte na kung maarte pero di ko kayang pagtiyagaan yan.

"Tyler, anong in-order mo?" tanong ko.

"Bakit mo natanong? Para sakin lang naman yun eh," seryosong sagot niya.

Marrying the Guy I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon