MGIH C-45: Excruciation

6.1K 123 7
                                    

Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own... Jealousy is a disease, love is a healthy condition. The immature mind often mistakes one for the other or assumes that the greater the love, the greater the jealousy.
-Robert A. Heinlein

Kath's POV

42.8

42.8 ang body temperature ko. Tao ba talaga ako?

Grabe. Ang sakit ng ulo ko at umiikot ang paningin ko. Feeling ko bigla na lang akong magko-colapse anytime. Para akong tino-torture. Lagnat or  should I say, trangkaso lang naman 'to pero feeling ko bilang na ang mga araw ko. Ang OA ko ano? Hindi lang kasi masakit physically, kasi pati mentally at emotionally. Kulang na lang pati spiritual. Kamusta naman yun?

Ni hindi ko pa nga nakikita maski anino ni Tyler eh! Asan na ba yun? Patay na ba siya? Malamang-lamang nasa impyerno na yun. Sinundo ni Satanas. Aww! Ang sakit na naman. Kabanas!

Calling...

Charles

Accept/Reject

Pinalitan ko na yung pangalan ni Charles sa contacts ko. Feeling ko kasi wala na talaga akong feelings sa kanya naghihintay lang talaga ako ng tamang panahon. Kaso mukhang wala na rin yung feelings ni Tyler sakin.

I answered the call.

"Hello?" I said weakly. Kahit pagsasalita, nakakatamad na ring gawin. Haaaay. Ang hirap ng ganitong situation. Kulang na lang may lumabas na K.O. o kaya GAME OVER eh!

"Kath? Are you okay? May sakit ka raw? Ano bang nangyari? Anong nararamdaman mo? May gusto ka bang kainin? Gusto mo dalhan kita? Please! Kath! Say something!" tuloy-tuloy na sabi ni Charles sa kabilang linya. Ramdam kong worried siya sakin. Akala mo talaga may malala akong sakit na naghihingalo na ako eh 'no? Pero na-appreciate ko yun.

Actually, naiyak nga ako eh. Iniiwasan ko lang humikbi baka akalain niya talagang nag-aagaw buhay na ako. Naiiyak ako kasi kahit di pa kami ayos or di pa namin alam kung ano ba talagang status namin ngayon, updated siya sa nangyayari sakin at concerned siya. Samantalang *sobs* si Tyler, na nasa kabilang kwarto lang... hindi ko man lang maramdaman ang presensya. Ni hindi ko alam kung nag-e-exist pa ba siya o nauna na siyang mamatay sakin.

"Kath? A-are you crying? Baby, please, don't stress yourself. You'll be fine, okay? I'll be there in 10 minutes," with that, he ended the call.

After 9 minutes, dumating na agad siya. Hindi ko nga alam kung saan ba siya galing at ang bilis niyang makarating dito. But it's not important, the important thing is, nandito na siya. May mag-aalaga na sakin.

Sana ikaw pa rin yung mahal ko. Kung pwede lang diktahan ang puso eh. Mas nahihirapan tuloy akong aminin sa kanya yung totoo. Ganito siya sakin tapos ako ang sama ko sa kanya. Nakakakonsensya.

"Kath, I brought you food," pumasok siya sa kwarto ko. I missed him. Kaso di na siya ang tinitibok nitong puso ko.

"Oh? Why are you not eating?" napansin niya kasing di ko pa nagagalaw yung tray ng pagkain ko. Wala akong gana eh. Kahit nga nung hindi pa ko nagkakasakit, wala na talaga akong gana eh. Kaya siguro nagkasakit na lang ako para reasonable naman ang di ko pagkain nang maayos.

"Subuan na lang kita?" ang sweet talaga ng nilalang na 'to. Sana ganyan pa rin siya pag nalaman niya na yung masakit na katotohanan.

"No. I can handle this," pagtanggi ko. Nakakahiya naman. Baka makita pa kami ni Tyler na ganung—why am I thinking about him anyway? He doesn't even care!

"Hindi mo nga nagalaw yung food mo eh. Sige na. Subuan na kita... para makabawi na rin ako sayo. Please?" Nagi-guilty ako shit!

I nodded.

Marrying the Guy I HateWhere stories live. Discover now